Born from a prestigious family, Alexandra strives to be the perfect daughter, but the façade is ruined upon the return of her dark past.
***
After Alexandra's accident, a big part of her memories disappear. Despite the missing puzzle pieces of her p...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
2 more chapters, guys! 🥺
***
NAG-IINAT akong lumabas ng lecture hall. Grabe! Ang dami kong kailangan na habulin sa ilang linggo akong nawala.
For the past several weeks, I had been so busy—sa company, sa buhay ko with KD, sa paglilinis sa mga gulong iniwan ng mga magulang ko at kung ano-ano pa. Parang ilang taon na ang nakalipas kahit na hindi pa man lumalampas nang dalawang buwan ang lahat.
If it wasn't for KD, I might have given up on learning about myself. I might not even remember my own brother. It might sound like an exaggeration, but that's how I felt. Iba pala talaga kapag may asawa na super understanding at patient. He was always there for me.
Hindi ko man maalala ang wedding vows namin noong kinasal kami sa huwes, nasisigurado kong espesiyal ang mga pangako niya sa akin. Ngayon pa nga lang ay napakabuti niyang asawa sa akin, paano pa kqya kapag manumbalik na ang lahat sa akin?
"Alexa!"
Napalingon ako sa pinagmulan ng pamilyar na boses. It was Maggie, walking down the foyer stairs. Yakap-yakap niya ang maraming libro at humahangos.
"Mags!"
"Girl, na-miss kita!" aniya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang kasabikan.
"Na-miss din kita! Thank you ulit sa pagtulong ha? Kumusta ka na?"
"Okay naman! Ikaw nga ang dapat tanungin ko kung kumusta ka na?"
I gave her a small smile. "Okay naman. Ito . . . still coping with the changes."
"Naku, I'm sure you'll be fine! I'm sure naman na hindi ka pababayaan ng asawa mo. Nas'an na nga ba 'yon?"
"Nasa Cebu siya ngayon. May inaasikaso lang pero uuwi na siya mamaya."
"Cebu? Taray naman! Bakit 'di ka sumama? Siguro may tinatago ang asawa mo 'no?" mapang-asar niyang tanong at napailing na lang ako.
"Gagi! Wala naman akong gagawin d'on. At gusto ko na rin naman bumalik sa studies ko. Ang dami kong need habulin," paliwanag ko.
Hindi ko na pinaliwanag pa sa kaniya na pangarap na namin ni KD na makapagtapos ako habang pinag-aaralan ko rin ang kompanya. It was between me and my husband.
"I'm sure na sisiw lang 'yan sa 'yo! Mana ka kaya sa 'kin!" aniya sabay ang pag-flip ng hair mula sa kaniyang balikat. "Anyway, gusto ko man na makipagtsismisan, kailangan ko na pumasok sa sunod na klase. May presentation pa kami!" She rolled her eyes at me and I could sense she was not looking forward to it.