Chapter 6

565 63 27
                                        

How's the story so far? Hope you're enjoying it! 😊

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

How's the story so far? Hope you're enjoying it! 😊

***

IT HAD been three days since I was locked up in my room. Hindi rin nakalalapit si Nanay Lisa sa kuwarto ko at may tauhan si Daddy na nagpupunta sa silid ko kung oras na ng pagkain. Kinuha nila ang aking smartphone at laptop kaya wala talaga akong paraan upang makausap ang kahit sino.

Wala pa rin akong ideya kung bakit kailangan nila akong ikulong dito sa kuwarto ko at bakit ayaw nila akong kausapin nang maayos.

Pakiramdam ko, kung mananatili ako nang kahit isang araw pa, mababaliw na ako rito. Dalawang araw na akong hindi nakapapasok at mukhang hindi ko alam kung kailan ako makapapasok.

I exhaustingly stared at my study desk when a random idea popped in my head.  I wonder kung nandoon ang lumang smartphone ko. My fingers were literally crossed as I got up and jogged to my desk. Binuksan ko ang pinakababang drawer at kinuha ang kahon na may mga lumang calculator at charger.

Nasiyahan ako nang makita na naroon nga ang luma kong smartphone. Laking pasasalamat ko na naroroon din ang charger. I just needed to pray that this still worked. Kaya lang naman ako nagpalit noon ay dahil niregaluhan ako nina Mom ng bagong phone — a gift from when I got discharged from the hospital.

Naupo ako sa tabi ng power outlet at sinaksak ang phone. Laking pasasalamat ko nang magtagumpay ako na mabuksan iyon. Parang may malaking tinik na nabunot sa dibdib ko.

"Please work . . . Please." Hindi ko mapigilan ang aking mga luha. I needed to be out of here. I needed to breathe.

Naghintay ako ng ilang minuto bago matagumpay na nabuksan ang aking phone. Dahil walang simcard, sa Messenger ko tinawagan si Maggie. Maybe she could call for help for me.

It took a few rings before she answered, "Alexandra! Bakit parang hindi ka yata pumapasok sa uni? May sakit ka ba?"

"Maggie!" Hagulgol ko.

"Hala! Bakit ka umiiyak?"

"M-Mags, help me . . . please . . . " parang namamaos ako.

"Ano'ng problema? Ano'ng nangyayari sa 'yo?"

"Kinulong ako nina Daddy sa kuwarto ko. I need your help."

"Ano? Bakit naman?"

Batid ko ang pag-aalala niya. Pero katulad ni Maggie, wala akong ideya at matinong sagot na maibibigay sa kaniya.

"H-hindi ko rin alam. Basta nangyari na lang. Tulungan mo naman ako!" I cried helplessly.

"O sige. Sige. I'll call for help. Tahan ka na," malambing niyang usal.

"T-thank you, Mags!" I cried at pinagalitan pa niya ako na nakapapangit ang pag-iyak.

Kahit hindi nakatatawa, alam kong pinipilit niya rin na pagaanin ang aking nararamdaman. Hanggang sa matapos ang tawag at sinigurado niyang higingi siya ng tulong para sa akin. Hindi ko na rin pinahaba pa ang tawag dahil ubos na ubos pa ang baterya ng phone.

Magic || KDLexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon