Chapter 20

375 27 9
                                        

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

ILANG beses kong pinipigilan ang nakaiiritang mga luha sa pagtulo. Kahit na naiisip ko si Kuya, hindi nawawala sa isip ko ang hitsura ni KD ngayon na hindi nalalayo sa hitsura niya noong binaril niya si Kuya. Kung hindi dahil sa nasusunog na kotse noon, hindi ko maaaninag ang mukha at ekspresyon niya.

That night, he looked like someone I did not know. He gave me the chills. He was a beaten winner.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol kay Kuya Alessandro?" pag-uulit ko.

Natigilan siya sa aking tanong at nakita ko ang pamimilog ng kaniyang mga mata. His lips parted, still thinking of what to tell me.

"Love?" muli niyang pagtawag. "P-paano mo—?"

"Does it matter?" Tumingala ako at sinuri siyang muli. Apart from my throbbing head, my heart remained broken and shattered.

Ngayon na nakita ko ang retrato ng kapatid ko, hindi ko maiwasan na mapaisip kung bakit tinago nilang lahat ang nangyari sa kaniya.

Nabura ang mga alaala ko dahil nakalimutan ko si Kuya. To rid of the pain of his loss, I chose to lock everything. I set everything aside.

Kinalimutan ko ang sarili kong kapatid.

"L—"

"Umamin ka nga sa 'kin . . . " I interrupted before he could even utter a word.

"Alexa, magpapaliwanag ako . . . " Humakbang siya palapit ngunit tinaas ko ang kamay ko, nakaturo ang hintuturo sa kaniya.

"Huwag kang lalapit."

Agad na napawi ang pagkakakalma ng mukha niya. Agad napalitan nagtagpo ang kilay at binalot ng pag-aalala.

Disgust. I was disgusted with myself for being in this situation. I felt so ignorant in my own skin.

"Lex, p-paano mo nalaman?"

Seryoso ba siya sa tinatanong niya? At isa pa, bakit ba niya ako sinasagot din ng tanong?

"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?" Nanginginig ang boses ko at pilit kong kinakalma ang aking sarili.

"Lex, please . . . mag-usap tayo nang maayos . . . " aniya.

"Mag-usap nang maayos?" I repeated in disbelief. "Ilang beses kitang tinanong, KD! Ilang beses ko hinintay na ipaliwanag mo! For what? For you to keep it from me and lie straight to my face?"

"No!" agad niyang sagot. "I-it's not like that!"

"It's not like that?!" hiyaw ko pabalik sa kaniya. "Huwag mo naman akong gawin na tanga, KD! Kapatid ko 'yon, KD!" sigaw ko.

Talagang sasabog na ang dibdib ko dahil sa ginawa niyang paglilihim.

Ilang beses na lang niya sasabihin na magiging tapat siya sa akin pero hindi pa rin.

Magic || KDLexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon