Chapter 21

391 35 16
                                        

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

"MA'AM, magpahinga muna po kayo. Wala pa kayong tulog simula kahapon. Ito, ma'am, may dala pa ako na pantulog mo," ani Blush sa tabi ko sabay ang lapag ng isang set ng silk na pink pajama set. 

Umiling ako at nanatiling mahigpit ang hawak sa malamig na kamay ni KD. Ilang beses ko 'yon hinaplos at pinisil-pisil. Nakahiga siya sa kama ko at wala pa ring malay. May doktor na tumingin sa kaniya kanina at nalagyan na muli ng gamot ang ilang sugat

KD was sick for the past few days and nights that he had been fighting. Bukod pa sa roon, nanggaling din siya sa mahabang biyahe kasama ako at wala pa ring pahinga sa trabaho. Mabuti na lang din at hindi napuruhan ang organs niya sa tagiliran. Kung nagkaton daw, he would bleed to death.

Instead of a recovery, I would be watching his body in a coffin — that I hate and refuse to see.

Isa pa, galit ako.

Hindi kay KD pero galit ako sa sarili ko. I hat myself to the point that I couldn't find that room for forgiveness. Hindi ko akalain na napilit ko ang sarili ko na makalimutan si Kuya Alessandro. Ngayon na naalala ko si Kuya, hindi mabura sa isip ko ang mukha niya. Hindi rin mawala ang huling paghinga niya.

Parang palabas sa sine na paulit-ulit ang eksena.  Kung dati ay wala akong maalala kay Kuya, ngayon ay hindi humihinto ang pagpapaalala sa akin ng huling hininga niya.

Kuya had always prayed for my happiness. He had always been generous and loving to the point that I wanted him to be selfish for once. Pero kahit sa huling sandali niya, ako pa rin ang inisip ni Kuya. Kahit na napahamak na siya, prayoridad niya pa rin ako.

"No, dito lang ako," sagot ko habang nakatitig pa rin kay KD. Kung wala siyang mga benda at pasa sa mukha at katawan, iisipin ko na natutulog lang siya nang mahimbing.

Pinatong ko ang kaliwang kamay ko sa magkahawak namin na mga kamay. I just wanted him to move a muscle and then open his eyes. I rested my forehead on our hands, praying that he would awaken.

Selfish na kung selfish pero gusto kong magmulat na siya ng mga mata at tawagin na muli ako — his Alexa. His wife.

"Ma'am, magkakasakit ka niyan."

"Ayos lang ako . . . " pagal kong usal.

"Ma'am naman . . . " Blush was sulking.

"Ayoko nga, 'di ba? Bakit ba ang kulit mo?" naiinis kong turan nang lumingon sa kaniya.

Batid ko ang pagkagulat ni Blush dahil maging ako ay nagulat din. Alam kong nag-aalala lang din sila sa akin at kay KD, pero hindi ko gusto ang pamimilit nila para lang umalis ako sa tabi ni KD.

What if magising na siya sa sandali na mawala ako? Or worse, what if hindi siya magising?

No. Ayokong isipin 'yon. Hindi 'yon mangyayari. Hindi ako iiwan ni KD at 'yon ang pinaniniwalaan ko. Umaasa ako at nananalig na magigising si KD at mapapatawad niya ako sa mga nabitiwan kong mga masasakit na salita.

Magic || KDLexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon