Chapter 16

332 35 11
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

NAGULAT kami nang biglang tumunog ang kaniyang telepono. Nagmamadali siyang tumayo at kinuha ang smartphone mula sa bulsa. Tumalikod din siya sa akin at sinagot ang tawag.

Napabalikwas din ako ng bangon dahil sa nangyari. Pinatong ko ang aking kamay sa dibdib at hinahabol ang aking paghinga.

Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Parang mababaliw ako sa pagwawala nito. Parang trip na magta-tumbling at magpaikot-ikot sa iba't ibang direksiyon.

Hindi ko tuloy lubos maisip kung nag-kiss na ba kami! Kasi kung kasal na kami, does it mean na may nangyari na sa—?

"Ano? Pa'no nangyari 'yan?" Naputol ang pag-iisip at takbo ng imahinasyon ko nang marinig ang boses niya.

Nasa dulo si KD ng balkonahe ko at kita ko kung paano umigting ang panga niya at maging ang pagkunot ng noo. Kahit na galit siya, hindi ko maitatanggi na ang guwapo niya.

"No, huwag niyong gagalawin. Alam niyo naman na naghahanap ng dumi 'yan. I'll be there," aniya. Pabulong man pero sapat lang upang marinig ko. "Damn it Zeus! Huwag ninyong patatakasin kahit isa sa kanila."

Walang hablas na binaba ni KD ang tawag at tinago ang smartphone sa bulsa. Huminga siya nang malalim bago ako hinarap.

"M-may problema ba?" Namumula at nag-iinit man ang mukha ko, nagtagumpay ako sa pagbuo ng tamang mga salita.

"It's nothing for you to worry about, love."

"Pero . . . "

"Love, I do have a request though," seryoso niyang usal. Napalunok ako dahil sa kabiyang tono.

"A-ano 'yon?"

"No matter what happens, don't ever leave the house." He was so serious that his tone gave me the chills.

Hinawakan ni KD ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ang mga mata ko. Sobrang lapit ng mukha niya pero hindi katulad kanina na maganda ang timing para sa amin.

I held his warms hands still resting on my cheeks. It felt like the most natural thing in the world . . . Even in the universe.

"B-bakit?"

"May . . . " He had a momentary pause. Mukhang iniisip ang tamamg salita na bibitiwan sa akin. "May kailangan lang akong puntahan at ayusin."

"S-saan ka pupunta?"

"I'm just going out. M-may kailangan lang akong gawin." I could see the worry and hesitation in his eyes. "But I'll be back as soon as I can."

Magic || KDLexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon