One more chapter to goooo~
Pasensiya na sa delay, guys! I've been working 12 days straight. Ngayon lang nagkaroon ng oras magsulat! 😬
***
HINDI na 'ko nagulat nang sabihin ni Blush sa akin na nakabalik na sa Manila si KD. Sa katunayan, nakabalik na siya sa mansiyon at plano sana na sorpresahin ako sa pag-uwi ko.
Pero sa halip na ako ang masorpresa, siya ang nagulantang nang matanggap ang liham mula kay Kuya Damian.
And like the boss that he was, he hid it from me and was going to settle it himself. Ayaw niyang mag-alala ako kahit na kabaligtaran ang nangyayari. I just end up worrying about him more and more.
"Malayo pa ba tayo?" naiinip kong tanong kay Zeus.
"Malapit na, ma'am," tipid niyang sagot.
Napasandal ako sa leather seat ng sasakyan at napahilot ng sentido.
Para pagtakpan ang kilos ni KD, pinaiwanan niya si Zeus sa mansiyon upang bantayan ako. Hindi nga naman ako hahayaan na basta umalis at hindi ako magtataka o maghihinala kung nasa Cebu si KD o nakabalik na.
My husband had calculated moves from day one which were both a blessing and annoying. Talagang pilit niyang tumatakas sa 'kin.
I knew this is his method to protect me, but I'm not a damsel in distress. I'm his partner.
Matapos ang halos siyam na minuto na pagmamaneho, pumasok kami sa isang pribadong lupain. May ilang sasakyan na nakaparada sa labas at nakaririnig ako ng mga nawawasak at tinatapon na gamit sa loob ng abandonadong gusali.
Halatang hindi na natapos ang paggagawa ng gusali dahil sa dami ng sira nito. There were graffiti drawings and writing around. May mga basag din na bote at bintana, at mga wasak na kahoy at bakal na nakakalat sa mabatong daanan.
It was a perfect hideout away from society dahil napalilibutan ng napakaraming mga puno at abandonadong warehouse. Hindi lang pa sa pelikula ako makakikita nang ganito pero sa totoong buhay rin.
Pagbaba ko ng sasakyan, tinakbo ko agad ang pinagmumulan ng ingat kahit na tinatawag ako ni Zeus at Blush. I wasn't going to stop at all until I reach my husband. I didn't even mind nor noticed that my shoelace was loose.
Pagpasok ko sa gusali, ilang beses akong nagpalinga-linga sa pinagmumulan ng ingay. It was getting louder as I turned right, then left.
Until I reached the correct room where the Ratcliffe brothers were. And my heart broke witnessing their fight.
I could see how KD and Kuya Damian threw punches and kicks at each other. Ilang beses umiilag ang isa't isa kahit na marami na silang pasa at madungis na ang hitsura.
It wasn't a beautiful dance but a war. A deadly and dangerous one.
Napakuyom ang kamay ko nang ipatong ko sa aking dibdib. Lalong lumalakas ang dagundong nito na hindi ko lang nararamdaman pero naririnig ko na rin.
I felt the need to intervene-ro stop them from further hurting each other. Magkapatid sila at hindi dapat nagkakasakitan. I hated what I was witnessing.
"Tama na!" hiyaw ko at napatingin silang dalawa sa aking direksiyon.
Batid ko ang pagkagulat ni KD nang makita ako. I knew he would act that way. He didn't tell me he was already back, so I didn't tell him I was heading his way. Hindi rin naman niya malalaman pa dahil hindi siya nagparamdam sa 'kin. And nothing could prepare me for what I was now seeing.
Bago pa niya ako matawag, nakatakbo si Kuya Damian upang makakuha ng baril sa 'di kalayuan. Sa sandali na makuha niya iyon, tumatakbo na rin si KD sa kaniyang direksiyon.
"Huwag!" hiyaw ko pero hindi nila ako pinansin. "Tama na! Please!"
Nabigla ako nang may humawak sa balikat ko. Pagsilip ko, si Blush ang hinihingal sa aking tabi.
"Miss, ma'am, please stay on my sight," bilin niya.
Hinigit ko ang aking braso at binalik ang tingin sa asawa ko at kapatid niya. Naiinis ako at gusto kong itigil na nila ang alitan nila.
KD needed to talk to his older brother in peace, and I was willing to speak up to clear things up-and even wake him up from the illusionary world my parents instilled in him.
"I've checked the perimeter. Sila na lang dalawa ang nandito." This time, si Zeus naman ang nagsalita.
"Make them stop," utos ko nang harapin si Zeus.
Umiling siya at hindi naglalaho ang pagkakukunot ng kaniyang noo. "I can't, ma'am."
"Why not?!"
"If you look at their eyes, you can see how serious this is . . . And this is normal," sagot ni Zeus. Nagkuyom ang kaniyang mga kamay habang nakatingin sa dalawa.
"Normal?!" My voice skyrocketed. From an already 10, it went to 100 real quick. "Paano naman naging normal 'tong away nila?"
Kung may ipapait pa ang ekspresyon ni KD, nasisigurado ko na iyon na ang makikita ko. Animo'y nakakain ng sandamakmak na ampalaya.
"Ma'am"-Napalingon akong muli kay Blush-"Your husband is the mafia boss, and we're mere soldiers."
Binaling ko na ang tingin ko kay KD at Damian na pilit tinuturo ang baril sa mukha ng isa't isa. KD was holding his older brother's hand to make the gun face another direction. Mula sa kanan, hinarap sa kaliwa, at paulit-ulit. Ilang beses pilit umiiwas sa baril.
Suddenly, a loud bang echoed throughout the whole place, and I could feel myself slowly in pain and gasping for air. Inabot ko ang aking tagiliran habang hindi pinuputol ang tingin sa magkapatid na Ratcliffe.
"Oh, my God, ma'am!" pahiyaw na tawag ni Blush. Naglaho ang lahat ng kulay sa kaniyang mukha?
"Ma'am!' It was Zeus this time.
When my hand landed on my side, what was once dry slowly turned wet. Nanginginig kong sinilip ang aking kamay at may kulay pulang likido sa dulo ng aking mga daliri.
Images from the past flashed right before my eyes. It was the day we were running away just before I forgot everything. The same day I was hurt and lost Kuya Alessandro just before my memories were erased. I was reminded of the day KD fell and got injured.
"Alexa!" hiyaw na pagtawag ni KD sa 'kin.
Things were flashing sporadically that I could no longer comprehend. Bumagal ang takbo ng oras kasabay ang pagbagal ng tibok ng puso ko.
Dama ko ang panghihina ng buong katawan ko. I turned my gaze back to the Ratcliffe brothers. Naluha ako nang makita na tumatakbo sa direksiyon ko si KD. He was in a panic frenzy. Base sa kilos ng bibig niya, mukhang tinatawag niya ako.
Slowly . . . everything turned pitch black.
***
#KDLexMagicOnWattpad
Last chapter ahead, KD's POV naman for our magical ending. Can't believe we're almost there!
P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0
BINABASA MO ANG
Magic || KDLex
Fanfiction#KDLexMagicOnWattpad Born from a prestigious family, Alexandra strives to be the perfect daughter, but the façade is ruined upon the return of her dark past. *** After Alexandra's accident, a big part of her memories disappear. Despite the missing p...