Chapter 23

333 34 15
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

ANOTHER day had silently passed, hindi pa rin gumigising si KD. Kasalukuyan ay pinupunasan ko siya para mapalitan ang mga benda sa katawan at mas maayos ang maging pahinga.

Ilang beses din kaming dinadalaw ng mga tauhan ni KD at madalas ay kasama sina Blush at Ate Cola.

I knew some of his men, who I was meeting the first time, were still reluctant with telling me thing around the mansion and the work that they do. Naiintindihan ko rin naman.

Kinasal kami ni KD na hindi pa siya ang pinuno ng mafia group nila. At noong nakuha na niya ang titulo, saka naman ako nawala sa eksena. Iilan lang talaga ang nakakikilala sa akin. Ayon kay Ate Cola, kilala ako ng iba bilang anak ng mga Imperial ngunit wala silang ideya tungkol sa will at sa mga kondisyon na nakapaloob dito.

Marahan kong dinampi ang basang bimpo sa mukha ni KD. Doble ang pag-iingat ko sa putok sa labi niya. Pero kung 'yon ang paraan para mapakislot siya at magising, may bahagi sa akin na gusto iyon gawin. Parang payapa lang talaga siyang natutulog sa halip na walang malay.

I wiped his dry lips and remembered what Ate Cola suggested the other day. Give him true love's kiss.

Ginawa naman niya akong bata na naniniwala sa fairy tales. Pero what if totoo naman pala 'yon? What if magising si KD sa isang halik?

Tss. I seemed so desperate. Mukha nga. Baka nga.

"L-love . . . " How could an endearment sound so nostalgic yet foreign at the same time! "Love, gising ka na, please?"

Mukhang maiiyak na naman ako. Hindi pa man gumagaling ang mga mata ko dahil sa nakaraan na pag-iyak ko, ito na muli at magsisimula na naman muli. Nag-iinit at namamasa-masa ang mga mata ko.

Binaba ko ang mukha ko para makalapit sa kaniya. Sinabit ko pa ang ibang hibla ng buhok ko sa aking tainga.

Oo, desperado na 'ko na magising si KD. Maniniwala na ako na magigising siya sa pamamagitan ng isang halik. At kung sabihin pa ng iba na magmumulat si KD ng mga mata kapag may ibang bagay akong ginawa, gagawin ko nang walang pagdadalawang isip.

I just needed him to be awake and well beside me.

"L-love?"

Natigilan ako at nanlaki ang mga mata nang mapagtanto ang pares ng kulay tsokolate na mga mata na nakatitig sa akin. Napaatras ako at muntik pang matumba sa sahig.

"K-KD!"

Nakahihiya! He saw me almost planting a kiss on him while he was out! Buwisit! That was embarrassing! Gusto ko na lang magpalamon sa Earth!

Magic || KDLexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon