Epilogue

319 31 8
                                    

Super massive thanks to the following people na sumali para tuluyan tayong maisulat ang vows nina Alexa at KD!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Super massive thanks to the following people na sumali para tuluyan tayong maisulat ang vows nina Alexa at KD!

Thank you, misLy115, remzky_benz, nursedumpacct, EvelynRebultan, and JulyMonth4! ❤️🤍

I would also like to thank everyone who had supported and cheered me to push through with this fanfiction. It was an amazing journey and I met so mang amazing people along the way.

Maraming-maraming salamat po!
❤️🌸🤍

***

"CONGRATULATIONS, graduates!"

Sabay-sabay namin hinagis ang graduation caps sa ere at nagkoro sa pagbubunyi. Napuno ng palakpakan ang buong lugar habang umuulan ng kumikinang na kulay ginto na mga confetti. Bawat confetti ay nagniningning nang tumatama sa ilaw at sinag ng araw.

Kasabay ng malakas na musika, sunod-sunod ang palakpakan at pagsipol ng mga graduate at mga manonood.

Tumalikod na ako upang hanapin ang asawa ko. I saw KD seated by the bleachers earlier. Pero ngayon na nagpuntahan ang mga graduate sa kanilang mga pamilya, unti-unti nang nababakante ang mga upuan sa paligid ko at maraming kumpulan sa iba't ibang bahagi ng hall.

At kahit na maraming tao ngayon, alam kong nakakalat ang mga tauhan ni KD at binabantayan kami.

"Congrats, Alexa!" I heard one of my batchmates called out. She was with her family and I could see how happy they were.

That made me think about my family. Proud kaya si Kuya Ales sa 'kin na nakapagtapos ako kahit na naging matagal, kasal pa rin ako kay KD, at ako na ang namamahala sa kompanya? I felt like he would be.

At ang mga magulang ko kaya? Halos isang taon na nang huli ko silang makita at hindi naging maayos iyon. Sa loob ng halos isang taon, wala na akong naging balita pa sa kanila. There were talks that they were in hiding, but it kept leading us to a deadend.

I miss them and have forgiven them. At sana, dumating ang araw na makita ko sila at mayakap. Sana dumating ang araw na matagpuan nila ang totokng kapayapaan at kaligayahan.

"Congrats din!" sabi ko at kumaway sa kaniyang direksiyon.

Binalik ko ang tingin ko sa mga manonood para hanapin ang asawa ko. KD wore a suit since we're going to a fancy restaurant after to celebrate. He made reservations in secret, at aksidente ko lang nadiskubre nang pumasok kami sa opisina.

I was in the middle of exams and had business meetings to go to, and KD was supporting me all the way. Iyon nga lang, naiwan niya na bukas sa browser niya ang reservation. Kahit malayo pa ang graduation, nagpa-reserve na siya agad. Na-manifest niya na ga-graduate ako.

Magic || KDLexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon