***
TWENTY-FOUR HOURS.
It had been twenty-four hours already since I last spoke with KD. Akala ko babalik siya agad gaya nang sinabi niya pero wala pa rin hanggang ngayon.
Twenty-four hours of no news from anyone. Kinakabahan ako. Hindi ko itatanggi na sobra ang aking pag-aalala.
Naglaho ang mga pagputok ng baril pero hindi ibig sabihin na tapos na kung ano man ang away sa labas.
And worse, Blush asked me to stay in my room until she returned. Ang bagay na tinatawanan pa niya kahapon, mukhang naging mas seryoso pa. Parang na-house arrest ako katulad nang ginawa nina Daddy sa akin noon.
I wonder . . . kaya ba ako nag-aalala kay KD ay dahil asawa ko siya? O dahil may kailangan pa akong malaman na mukhang siya lamang ang makasasagot? O dahil may nararamdaman ako sa kaniya?
Totoo nga kaya na kahit makalimutan ng isip, laging maaalala ng puso?
Kaya kahit mabibilang sa isang kamay ko ang bagay na sa palagay ko ay mga alaala ko kasama si KD, hindi ko pa rin maitatanggi na may nararamdaman ako sa kaniya.
Naiiling akong umikot sa kama at inabot ang lumang smart phone na binigay ni Blush sa akin kanina bago siya unalis. Sobrang luma ng phone at natatanging numero ni KD ang naka-save roon. Walang musika o larawan na puwede ko sanang ma-stalk
I clicked KD's name under the contacts and rubbed my thumb across the screen. Tawagan ko kaya? Kaya lang baka busy siya. Bala maistorbo ko pa kung bigla kong tawagan.
At isa pa, kahit tawagan ko siya, ano naman ang dapat kong sabihin?
I miss you? I love you? No. It would be too soon for that. Kailangan ko munang kompirmahin ang nararamdaman ko.
And once this is over, saka ko ipaaalam sa kaniya ang nararamdaman ko. Sa ngayon, kailangan lang bumalik ng alaala ko.
I opened my browser and started typing: amnesia. Agad na lumabas ang ilang kasagutan.
Memory loss
(also known as Amnesia)Description:
The inability to remember events for a period of time, often due to brain injury, illness or the effects of drugs or alcohol.Common Causes:
Memory loss can have causes that aren't due to underlying disease. Examples include ageing, stress or lack of sleep.
Binagsak ko ang aking kamay at nabitiwan ko ang smartphone sa kama. Hindi naman ito nahulog dahil malambot ang higaan.There was nothing new. It just contained information that I was already aware of. Wala akong maalala. 'Yon lang ang alam ko.
BINABASA MO ANG
Magic || KDLex
Fanfiction#KDLexMagicOnWattpad Born from a prestigious family, Alexandra strives to be the perfect daughter, but the façade is ruined upon the return of her dark past. *** After Alexandra's accident, a big part of her memories disappear. Despite the missing p...