THIRD PERSON :
Kasalukuyang kasama ni bongbong si martin sa isang high end na private bar.
Nagpapakalunod sa alak kaya hinayaan lang ito ni martin.
Kanina pa ito iyak ng iyak naawa naman din siya sa pinsan.
Alam na niya ang nangyari sa pagitan ng dalawa dahil tinext niya si sara na kasama niya si bong at nagpapakalasing.
Hinde nagsasalita si bongbong tungkol sa nangyari at tahimik lang itong umiinom.
Kilala niya ito alam niyang hinde ganito si bong kaya hinde niya maiwasan na mag alala.
Binilin ni sara sa kanya na wag pababayaan si bongbong at kung maaari ay wag niyang iwan.
Umiiyak si sara nung nakausap niya sa telepono at nakiusap sa kanyang wag sasabihin dito na nakapag usap silang dalawa.
Napapailing nalang si martin sa nangyayari sa dalawa at hinde niya maiwasang malungkot at maawa sa kanila pareho.
Nagmamahalan ang dalawa saksi siya sa kung paano naghirap ang dalawa na ingatan ang kung ano man ang meron sa kanilang dalawa.
Hinde man niya alam kung ano ang nangyari pero alam niyang may mahalagang dahilan kung bakit nila napili ng maghiwalay.
Mga bandang ala una ay iniuwi niya narin si bong sa hotel na tinutuluyan ng dalawa.
Ingat na ingat si martin na walang makakita sa paglalasing ng pinsan dahil ayaw niyang magkaroon ng issue ito.
Kanina pa tumatawag si liza sa cellphone nito pero pinagpatayan lang nito ng cellphone si liza.
--
Pagdating ni bongbong sa hotel nila ay lasing na lasing ito kaya inalalayan siya ni liza papasok.
Nagpasalamat siya kay martin na naghatid dito bago isinara ang pinto.
Pilit niyang inalalayan ito papasok sa kwarto dahil nasa executive suite sila ay malawak ang buong hotel na tinuluyan nilang dalawa.
"Hinde moko kailangan alalayan kaya ko ang sarili ko liza" lasing na sabi nito.
Tinignan siya nito at iniwaksi ang kamay niyang nakaalalay dito.
Nasaktan siya sa inasal ni bong pero isinawalang bahala nalang niya.
Kahit patumba tumba itong papasok sa kwarto ay matiwasay naman itong nakapasok at pasalampak na nahiga.
Sinubukan niyang ayusin ito sa kama at tinanggal ang sapatos nito.
Bibihisan niya sana ito pero winaksi lang ulit siya nito palayo.
"Sara" banggit ni bongbong kasabay ng pagtulo ng luha nito.
Nakita niya kung paano ito umiyak nung binanggit nito ang pangalan ni sara at halatang sobra itong nasasaktan.
Napaatras siya sa narinig parang nadurog ang puso niya sa nakita niya dito.
Napatakbo siya papunta sa labas ng kwarto at tahimik na umiyak ng umiyak.
Sobrang sakit para sa kanya na paulit ulit nang napapamukha sa kanya na hinde siya ang mahal nito pero hinde siya pwede magpatinag.
Kailangan niyang ipaglaban kung ano man ang pag aari niya.
Sigurado na siya sa mga inakto nito kung ano ang nangyari, maaring nakipaghiwalay na si sara sa kanya.
Inalala ni liza ang araw kung paano niya nalaman ang tungkol sa dalawa.
FLASHBACK...

YOU ARE READING
Empty Space
RomanceWhen bongbong and sara were so sure about their life, committed to someone Pero nararamdaman nila na parang merong kulang. What if you meet someone and fill out those empty spaces in your heart yung guguluhin ang tahimik na buhay mo pero aayusin din...