CHAPTER 46

953 44 146
                                    

Sara :

Nakatayo ako at pinapanood ang paglayo ng lalaking mahal ko.

Kinuyom ko ang kamao ko para pigilan ang sarili kong habulin siya at bawiin nalang lahat ng sinabi ko.

Bawat katagang binitawan ko ay parang punyal na tumatarak sa puso ko at bumabaon hanggang sa pinakasulok.

Inipon ko ang lahat ng lakas na kaya kong ipunin para sabihin ang bawat salitang binitawan ko.

Habang nakikita ko ang sakit sa mga mata niya nung sinabi ko ang mga salitang katumbas ng milyong karayom na tumutusok din sa puso ko ay parang gusto kong tawirin ang distansya naming dalawa at yakapin nalang siya para sabihing hinde totoo ang lahat ng sinabi ko.

Pagkalabas niya ng pinto ay sabay sabay nag unahan ang luhang kanina kopa pinipigilang kumawala.

Parang biglang nagbago ang isip ko at gusto ko nalang siyang habulin pabalik at yakapin siya.

Gusto ko siyang habulin pero parang tinakasan ako ng lakas at hinde ko maihakbang ang mga paa ko.

Inipon ko ang lahat ng lakas ko at kusang napatakbo palabas para habulin si bong.

Kusang nanghina ang tuhod ko at napabagsak ako sa lupa habang nakaluhod nung makita kong nakalayo na ang sasakyang sinasakyan niya.

Napahagulhol ako ng iyak at napahawak sa dibdib ko sa walang katumbas na sakit.

Hinde ako makahinga sa sobrang sakit ng nararamdaman ko parang pinipiga ang puso ko sa loob at gusto ko nalang itong hugutin palabas.

Ginusto ko naman ito diba, ako naman ang pumili nito at itinulak ko siya palayo.

Pero putangina napakasakit lang.

Kusang bumalik sa isip ko ang huling katagang binitawan niya bago siya tumalikod sakin.

"It's ok love, sabi ko naman sayo diba I won't let go of you unless you told me too kaya it's ok"

Lalo akong napaiyak nung maalala ko ang huling salitang puno ng sakit na binitawan niya.

Alam kong sa mga oras nayun ay ako lang ng iniisip niya .

Ang marinig ko galing sa kanya na hinde na niya ako guguluhin basta sabihin kong hinde ko siya mahal ay parang sinabi niya narin na itigil kona din ang huminga.

Alam ko kung gaano kasakit para sa kanya ang marinig na manggaling sakin ang salitang yun.

Pero doble ang sakit na sakin mismo manggagaling ang salitang hinde naman totoo.

Kailangan kong pumili at gawin ang bagay na hinde ko gustong gawin para sa ikabubuti ng lahat.

Hinde lang para sa akin kundi para narin mismo sa kanya.

Bumalik sa isip ko ang huling gabing nagkasama kaming dalawa.

At ang dahilan kung bakit ko ginawa ang lahat ng ito.

FLASHBACK...

Pagbalik ko sa bahay pagkatapos naming magkita ni bong ay nakangiti akong pumasok sa bahay.

Nagulat akong nakaupo si mans sa sofa kasama si mama na seryusong nakatingin sa akin.

Hinde ko inaasahang nandito siya at gising pa ng alas 2 ng madaling araw.

Gusto ko sana magmano sa kanya pero iwinaksi niya ang kamay ko at masama akong tinignan.

Tinignan niya si mans at sinabihan na iwan na muna kami dahil gusto niya ako makausap.

Empty SpaceWhere stories live. Discover now