Chapter 6

29.4K 1K 504
                                    

Naalimpungatan ako ng may narinig na pagsarado ng pinto. Mula sa pagkakahiga ay pikit mata akong bumungon para maupo dahilan upang may malaglag, kaya unti-unti kong minulat ang mata ko para tingnan ito. It's a black blazer, I'm sure kay Miss Ragel iyon kasi nakita kong suot niya kanina ito and it smells like her signature perfume, a sweet vanilla. That's why I'm sure, this blazer belongs to her.

"Ehem"

Mula sa hawak kong blazer ay napunta ang atensyon ko sa babaeng naka-upo sa swevel chair na nakatingin lang sa'kin.

"So? Miss Inyene, did you slept well?" mataray niyang tanong.

Imbes na sumagot ay kinuha ko ang phone ko upang malaman ang oras. Napataas naman ang kilay ko ng makitang malapit na mag alas syete.

Medyo matagal din pala akong nakatulog. Hindi ako naka attend sa dalawang subjects ko today, hindi man lang niya ako ginising. Pero okay na rin kasi atleast nakatulog ako. Nakaramdam ako ng gutom kaya imbes na sagutin ang tanong niya ay iba ang sinagot ko.

"Ragel, I'm starving" nakasimangot kong sabi dito habang nakahawak sa tyan ko.

Wait...what the? Ako nakasimangot? Agad ko namang tinigil ang ginagawa at sumeryoso ang mukha. Tumingin ako sa babaeng nasa harap ko na ilang beses kumurap sa'kin.

Nagugutom na'ko hindi naman ako nakapag tanghalian kasi hindi niya naman ako ginising.

Napatayo ako ng wala sa oras ng ibato niya sa'kin 'yong librong nakapatong sa table niya.

"Don't call me Ragel, you dumbass! At ang kapal naman yata ng mukha mo magreklamong gutom ka e ginawa mo na ngang tulugan 'tong office ko!" galit niyang sabi.

"And what's with the duck face Inyene? Stop, mukha kang pato."

She frustratingly said bago muling binato sa'kin 'yong ballpen na hawak niya.

I tried to suppress my laughter. Ang ganda niya lalo 'pag galit. At tsaka sinong panget? Ako? Is she blind?

Napakasama na naman ng tinging pinupukol niya sa'kin.

"Ragel, calm down your ass" sabi ko dito dahilan para damputin niya 'yong flower vase na nasa table niya. What the fuck?

"Don't throw that thing on me, masakit 'yan" sabi ko dito na ikinangisi niya.

Hindi na ba siya galit?

"Come here" kalmadong sabi niya. E ayaw ko nga baka mamaya ihampas niya sa mukha ko 'yan, kaya nanatili lang ako sa pwesto ko.

"Are you deaf, Inyene? I said come here I don't want to repeat myself again."

See? Inis na naman siya. Sabi ko hindi ako takot sa kanya pero iba pala talaga magalit 'to, mapapasunod ka nalang.

Hindi ko rin alam kung bakit.

Dahan dahan naman akong lumapit sa kanya, she just standing at the edge of her table while crossing her arms.

"Gutom na nga ako" sabi ko, ilang hakbang mula sa kanya

Nang tuluyang makalapit sa kanya ay mabilis niya kong hinampas sa braso. Ang sakit nun.

"Where are your manners, Inyene? You're disrespecting me, I'm a professor here, a professor. Inyene" madiin niyang sabi at ihampas muli ako sa braso.

Nakakadalawa na siya ah.

"Isa pang hampas kakasuhan na talaga kita, Ma'am" sabi ko dahilan para mahampas na naman ako but this time sa likod na, napapikit nalang ako, kung ibang tao 'to baka nakahandusay na sa sahig.

On The Thin Ice Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon