Chapter 35

55.5K 1.8K 2.4K
                                    

I woke up due to the loud knocks as I heard Manang Tes calling out my name. Napatingin ako sa wall clock at agad na napatayo dahil mag aalas nuwebe na ng umaga. 10 am 'yung alis namin dito sa isla pabalik sa city kaya siguro katok ng katok na si Manang Tes.

"Ang tagal mo talagang magising bata ka."

"Sorry po." inaantok na sabi.

"Tumawag si Aaron dahil hindi ka raw ma-contact, jusko namang bata ka."

"Bakit daw po?"

"Aba ay tinatanong kung magpapasundo ka ba daw sa chopper o sa yate mo nalang."

"Yate nalang po." sabi ko tsaka napasandal pa sa hamba ng pinto dahil sa biglang pagkirot ng ulo ko. And suddenly, the memories from last night came to my mind.

Damn...

"Maligo ka na at ihahanda ko ang gamot mo para sa hangover." tumango nalang ako kay Manang bago isarado muli ang pinto.

I lazily walked straight towards the bathroom to take a bath. Matapos ang halos kalahating oras ay lumabas na rin ako para magbihis. I'm wearing a black cropped twill straight leg-pants at tinuck in ko na rin 'yong itim na cotton poplin shirt, hinayaan ko lang nakabukas yung unang dalawang butones.

Pagtapos ay bumaba na rin ako at dumeretso sa kitchen. Naabutan kong nagtitimpla ng gatas ni Manang Tes at inabot naman agad sa'kin yun pagkatapos.

"Naghihintay na silang lahat sa'yo sa dalampasigan, bilisan mo dyan" sabi niya sabay abot sa'kin ng gamot.

Ba't ba sila naghihintay sa'kin e hindi naman ako sasabay sa kanila? Agad ko nalang inubos ang pagkain tsaka uminom ng gamot.

"Huy kayong tatlo, nag usap-usap ba kayong mag all black ngayon?" sabi ni Eya nang makarating ako sa kinaroroonan nila.

Mukhang ako nalang ang hinihintay nila dahil nakatingin silang lahat sa'kin. Napatingin naman ako kay Sai at Ceria na nasa magkabilang gilid ko at agad na nagsalubong ang kilay ko dahil tama nga si Eya, pero hindi naman kami nag usap na mag all black ngayon.

"Ang angas" rinig kong sabi ni Sai habang naka tingin sa itim na yate.

"All right guys, let's go and make sure that nothing is left behind in your belongings."sigaw ni Miss Kayleigh.

Napatingin naman ako sa kinaroroonan ng mga Professors. Nauna ng naglakad papuntang yate si Prof. Kayleigh at Prof. Yhashen kasama ng ibang studyante.

Saihira sighed deeply na ikinatingin ko sa kanya.

"Binabaliw mo'ko Eris." rinig kong bulong niya na ikinataas ng kilay ko.

Who's Eris that she's talking about?

"Who's Eris?" I asked that made her looked at me.

"Huh? wala. Midnight snack ko kagabi."

"You're wasted last night. Tapos may gana ka pang mag midnight snack?" alam ko kasing lasing na lasing 'to kagabi eh.

"Syempre. Ang sarap kaya ng kinain ko kagabi with white sauce. Finger lickin' good."

My brows furrowed because of the the way she's smirking.

"What kind of snacks? Can I try it?" kahit gusto ko na matawa dahil sa reaksyon niya ay pinanatili ko ang seryosong mukha.

"Back off motherf*cker, hindi mo pa man nahahawakan baka nakalibing ka na." hindi ko napigilang mapangisi dahil sa sinabi niya.

"What? Don't tell me si Prof. Yhashen ang tinutukoy mong midnight snack mo kagabi?" bigla naman siyang namula sa sinabi ko tsaka umiwas ng tingin.

Tangena, bakit pakiramdam ko si Prof. Yhashen :yung tinutukoy niyang kinain niya kagabi?

On The Thin Ice Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon