Chapter 38

28K 992 573
                                    

I glanced away from Eya to Miss Ragel, who's now busy in front of her laptop. Naramdaman niya sigurong may nakatingin sa kanya kaya nag angat ito ng tingin at sakto namang nagtama ang aming paningin.

Napabuntong hininga nalang ako when she just rolled her eyes on me at muling ipinagpatuloy ang ginagawa.

Her eyes are on her laptop again.

"Dami ko na ngang problema dumagdag pa 'to" rinig kong reklamo ni Eya sa tabi kaya nabaling ang tingin ko sa kanya.

Seryoso lang naman siyang nakatingin at sinasagutan ang questionnaire na binigay sa'min ni Miss Ragel kanina.

Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Miss Ragel dahil tapos na rin naman akong magsagot.

It's been two days. Damn.

Hindi niya pa rin ako pinapansin since I refused a cup of coffee that she offered to me two days ago.

Hindi naman kasi ako umiinom ng kape.

"What the..." agad akong napatingin kay Eya nang mabitawan nito ang cellphone niya at inis pang napasabunot sa sarili bago muling kinuha ang nahulog niyang cellphone.

"What's wrong with you, Lacoste?" tanong ko rito kaya napatingin siya sa'kin.

Nag class dismissed na si Miss Ragel kaya naman malaya na kaming mag usap ngayon.

"Bakit ang mga babae, kapag galit ka, galit din sila?" kunot noong tanong niya sa'kin na ikinataas ng kilay ko.

Pansin ko namang napatingin sa kanya ang iilang babae rito sa classroom gayundin si Miss Ragel na hanggang ngayon ay hindi pa rin umaalis.

"Tapos minsan wala naman tayong ginagawa pero nagagalit sila."

"Kung may gawin naman tayo nagagalit pa rin, like saan tayo lulugar 'di ba?" sunod sunod na saad niya.

Katahimikan ang namayani sa loob ng classroom at maya maya lang ay napuno iyon ng malakas na tawanan.

"Freya, parang hindi ka babae ah!" sabi nong hindi ko kilala habang natatawa pa rin.

"Babae ako pero babae rin gusto, baka gusto mong tayo nalang, Yassi." nakangising sabi ni Eya don sa Yassi.

Ngunit nawala rin iyon agad at napalitan ng kaba nang makita niya sigurong nasa labas si Prof. Galveston na walang emosyong nakatingin sa kanya ngayon. For sure naman na narinig niya iyong huling sinabi ni Eya dahil malakas din ang pagkakasabi ni Eya non.

"Hi, Pro-" Hindi pa niya natatapos ang sasabihin ay umalis na si Prof. Galveston kasama nito si Miss Ragel na pareho yatang may sama ng loob.

Saan kaya sila pinag lihi?

"Tara na" sabi ko nalang. Bagsak balikat namang sumunod sa'kin si Eya na hindi rin maipinta ang mukha.

"Rai..." tawag sakin ni Eya habang naglalakad kami papuntang cafeteria.

"Why?" tanong ko at hindi na nag abala pang tumigil sa paglalakad.

"Gusto ko nalang maging sibuyas." biglang sabi niya kaya napinto ako at kunot noong bumaling ng tingin sa kanya.

"The fuck are you talking about, Freya Ceres?" tanong ko

"Ay hindi niya gets" rinig kong sabi niya. Napataas nalang ang kilay ko at tinuloy na ang paglalakad.

Nang makarating sa cafeteria ay binigay naman agad sa'min ni Vann at Eros ang pagkain namin.

"Anong nangyari sa'yo, Eya?" tanong ni Troy nang sigurong makita na tahimik 'tong si Eya na palagi namang madaldal.

On The Thin Ice Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon