Chapter 40

30.5K 1.1K 451
                                    

"Wahhhhhhh cookiesssss!"

Mabilis kong isinubo ang isang cookie na hawak ko at agad ko ring tinakpan 'yong baonan na naglalaman nun, pagkatapos ay itinago ko iyon sa likuran ko tsaka tumingin kay Eya.

My baby made this for me so I don't want to share it with anyone... including Eya.

"Pahinging isaaaa!" sabi niya pero umiling lang ako habang nginunguya 'yong cookies na sinubo ko kanina.

"Fuck! stop it Eya!" sabi ko ng pinilit niyang kunin sa'kin 'yong baonan.

"Parang isa lang. Napaka damot!" sabi niya habang patuloy pa rin sa pag agaw pero nilalayo ko iyon.

Nasa classroom kami ngayon. Wala pa si Ragel kaya malaya pa kaming nakakapag ingay. It's been 3 days already nang maging kami. And it's the best thing that's ever happened to me.

I smiled.

It's funny how you can be happy with someone and love them so much. But it creates an underlying sense of fear in you that you never knew before them...the fear of losing them.

I think about Ragel again at hindi ko na naman mapigilan ang sarili na mapangiti. Damn. My woman deserves the world so I'll give it to her or more. She deserves to be treated right. I'll protect her, and I'm willing to risk everything for her.

"Baliw. Nakangiti na naman mag-isa."

Agad naman akong napatingin kay Eya nang maalala ang cookies. Nang makitang isusubo niya na 'yong isa ay mabilis kong kinuha iyon mula sa kamay niya at dali daling sinubo sa bibig ko. Muli ko ring inagaw sa kanya 'yong baonan na nakuha niya mula sa'kin kanina.

Hindi makapaniwalang napatingin naman siya sa'kin. Nasa ganong lagay kami ng biglang dumating si Ragel kaya nanahimik naman lahat at nagsibalikan sa kanya kanyang upuan.

Nakita ko siyang nakatingin kaya ngingiti na sana ako nang bigla niya akong iripan tsaka nagpatuloy maglakad papunta sa table niya.

Umayos naman ako ng upo nang magsimula na siyang mag klase. Tahimik naman ang lahat habang nagtuturo siya. At nasa kanya lang ang atensyon ko hanggang matapos ang isang oras na magtururo niya.

Nabigla naman ako ng lumalapit siya sa'kin at may inilahad siyang panyo sa harap ko.

"Clean the side of your lips. You eat like a 1 year old baby, Inyene." sabi niya.

Kumain kasi ako ng cookies kanina habang nagtuturo siya.

Narinig ko namang tumawa si Eya na nasa tabi ko lang. Napatingin naman ako sa panyong hawak niya, hindi ko 'yon kinuha kaya siya na mismo ang naglinis sa gilid ng labi ko. Pagkatapos ay naglakad siya muli papuntang table niya at bumalik dala 'yong tumbler niya na may lamang gatas.

Alam kong gatas ang laman non dahil binuksan niya muna bago i-abot sa'kin. Tinanggap ko naman kaagad.

"Literal na ginawang baby, gago kaiyak." rinig kong sabi ni Eya ng makaalis si Ragel.

Habang ininom ang gatas na bigay sa'kin ni Ragel ay inilibot ko naman ang paningin ko sa loob ng classroom dahil nagtataka ako sa sobrang tahimik.

Napakunot naman ang noo ko nang makitang lahat sila ay nandito pa at bahagyang nakaawang pa ang bibig habang nakatingin sa'kin at kay Ragel na abala sa pag aayos ng gamit niya.

"What?" tanong ko at sabay sabay naman silang umiling.

"Ma'am! Si Kale ayaw e-share 'yong pagkain niya, parang hindi kapamilya eh." tukoy niya sa cookies na hanggang ngayon ay kinakain ko.

Tiningnan lang naman niya kami ni Eya ng nakataas ang kilay bago siya naglakad palabas dahil naghihintay na sa kanya si Prof. Galveston na pansin kong nakatingin dito sa katabi ko.

On The Thin Ice Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon