Chapter 34

31K 1.1K 1K
                                    

Mag-isa akong naglalakad ngayon sa dalampasigan. This is our last day here in my private island, kaya naman lahat sila ay nag e-enjoy. Ang nasa animnapu na studyante ay nahati sa dalawang grupo. At sa pagkakaalam ko ang grupo nung apat kasama 'yung dalawang kapatid ko ay sumakay nang yate para pumunta sa kabilang isla, hindi naman pwede na wala silang kasamang faculty, that's why Prof. Yhashen and Prof. Kayleigh are with them. Habang 'yung isang grupo naman ay naglilibot dito sa isla.

If you're asking for Miss Ragel, well I don't know. Late akong nagising kanina kaya hindi ako nakasabay sa kanila mag brunch, lahat naman yata kami ay mag la-lunch na nagising. At kaya naman mas pinili ko nalang din magpaiwan kaysa sumama sa kanila.

"Penny for your thoughts?" Nabaling ang tingin ko sa likod ko ng may biglang nagsalita mula roon.

"Professor Sullivan? What are you doing here?" Isa siya sa faculty na dapat kasama ng isang grupo kaya bakit siya nandito?

She just shrugged instead of answering my question. Pinasadahan ko siya ng tingin, she's wearing a high waisted shorts and a sleeveless croptop. Okay, I admit that she's beautiful and have a perfect figure but there's really something about her that I can't figure out.

"Done checking me out?" she uttered and laughed softly kaya naman napa umiwas na'ko ng tingin.

Nagsalubong ang kilay ko ng bigla siyang lumapit sa'kin upang kalasin 'yung tatlong magkakasunod na butones ng suot kong beach polo shirt.

"What are you doing?" I asked as I'm about to step backwards pero pinipigilan niya ko.

She slides her hand from my neck down to my chest and just locked her eyes there.

"I like your tattoo" she said while gently caresses it.

Mahina kong tinapik ang kamay niya upang alisin 'yun sa dibdib ko na ikinatawa niya lang naman.

"You have a perfect abdominal curve and face, medyo kinulang lang sa size ng boobs." sabi niya tsaka tumawa.

Agad ko naman siyang tinaasan ng kilay at napatingin sa dibdib niya. Lakas maka insulto purkit pinagpala. Hindi na'ko nag abalang magsalita dahil nagsasabi rin naman siya ng totoo.

"Let's go back and help Manang Tes to prepare our dinner." agad naman akong sumang-ayon kay Prof. Sullivan dahil mag aala sais na rin naman. Malayo na rin ang nalakad namin at masyado na ring marami ang nakwento ng babaeng 'to.

Sinabi niya rin na Rie nalang ang itawag ko sa kanya but I still prefer calling her Prof. Sullivan dahil hindi ako sanay sa Rie. Parang katunog siya ng tawag sa'kin nina Eya pero hindi ko nalang pinansin.

Nang makabalik ay naabutan pa naming nagluluto si Manang Tes kahit marami na siyang natapos lutuin. Prof. Sullivan insisted on helping pero tinatanggihan lang siya ni Manang dahil kaya niya naman daw.

"Nandito ka rin pala Rie. Matagal ka na ba dito sa pilipinas? Kamusta si Rhian?" natigil ako sa ginagawa dahil sa narinig kay Manang Tes.

She know Prof. Sullivan?

Prof. Sullivan cleared her throat bago magsalita.

"Matagal na rin po, Manang. Mom is doing good if you're asking about her." sagot niya.

"You know each other?" Tanong ko na ikinatingin nila parehas sa'kin.

"Nakong bata ka e palaging nasa bahay niyo si Rie noon, halos ayaw mo na ngang pauwiin."

Hindi ko narinig ng maayos ang sinabi ni Manang dahil malakas na tumunog sa selpon ni Prof. Sullivan, matagal bago niya sagutin iyon.

Abala na si Manang kaya hindi ko na siya natanong ulit.

On The Thin Ice Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon