Chapter 10

27K 938 143
                                    

Currently, I'm in my seat at tahimik na nakikinig kay Miss Ragel na nagdidiscuss sa unahan. Nagpaalam akong umuwi agad kagabi matapos 'yong hapunan. I felt my whole body aching that time and alam kong may nakain akong bawal kaya ako nagkaganon. That's one of the reasons kaya hindi ako kumakain kapag iba 'yong nagluluto, hindi sa maarte ako.

I have allergies kaya hindi dapat ako basta basta kumain ng kahit ano. Nagpasundo lang ako kay Eya kagabi pero si Eros 'yong dumating. Binigay niya naman agad sa'kin 'yong gamot nang pamansin niyang hindi ako okay at pinagalitan pa'ko.

Pag-uwi naman sa bahay apat na silang pinagalitan ako buti nalang wala si Costello dito. Alam ko namang nag-aalala lang sila sa'kin dahil ayaw daw nilang maulit 'yong nangyaring muntik na'ko mawala, ang OA nila.

Hindi naman 'yon napansin ng pamilya ni Miss Ragel pero siya napansin yata because the way she looked at me seems like she's worried.

"Rai, punta tayong gym, the three guys are there" sabi ni Eya nang i-dismissed kami ni Miss Ragel.

"What are they doing there?" I asked bakit naman nasa gym ang tatlong 'yun?

"Ano bang ginagawa sa gym, teh?" Parang tangang tugon nito imbes na sumagot kaya naman binatukan ko.

"Ah basta boring daw sila kaya gusto nila maglaro" sabi nito at naglakad na kami palabas ng room.

"Miss Inyene" tawag ni Miss Ragel kaya napatigil kami sa paglalakad. Nilingon namin ito and she's directly looking at me na parang may gusto itanong but she's hesitant to ask about it.

"What?" I asked to her nang nakatingin lang ito sa'kin.

"Nothing, I just want to ask if you're okay? Since last night you really looked unwell" she said at umiwas na ng tingin.

"Nako Ma'am, umuwi kagabi 'yan nangangati 'yong buong katawan, she has a allergies with foods kaya hindi siya dapat basta basta kumain ng kung ano. Ewan ko ba kung ano kinain nyan kagabi." sabat naman ni Eya na hindi kasali sa usapan.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at muling lumingon kay Ma'am na parang nagulat pa yata sa nalaman kay Eya. Medyo nakawang kasi ang bibig nito at nanlaki kaunti ang mata pero nawala rin agad 'yon nung napansin niyang nakatingin ako sa kanya.

"I'm okay, Miss Ragel" sabi ko nalang dito.

Tumango lang naman siya at binaling na ang atensyon sa mga gamit niya.

"Tara na Kale, daan muna tayong cafeteria" sabi ni Eya at hinila na'ko palabas.

Bumili lang kami ng bottled water sa cafeteria bago dumiretso sa gym. Naglakad pa kami ng ilang minuto, masyadong malaki at malawak ang university na 'to kaya nakakapagod, may shuttle naman pero mas gusto raw ni Eya maglakad, idadamay pa'ko.

"WAHHHH GOO TROY BABYYY!"

"TANGENA ANG GALING MO FAFA EROS!"

"ANAKAN MO'KO LACOSTE!"

Rinig naming sigawan sa loob ng gym at nabuga ni Eya 'yong tubig na iniinom niya dahil sa narinig.

"Tangena! Kung maka lacoste naman kasi!" sabi nito at pinunasan ang gilid ng labi.

"Gusto yata na maging tita ako ng wala sa oras, kainis" dagdag pa nito.

Hindi ko siya pinansin at nauna nang pumasok. Una kong nakita ang grupo ng mga lalaki na naglalaro sa court, nilibot ko ang paningin ko sa mga nanunuod at nagsalubong ang kilay ko ng halos mapuno ang buong gym halos karamihan ng nandito mga babae at kanya kanyang cheer sa mga naglalaro.

"What.the.fuck?" patanong na sabi Eya habang nililibot ang paningin, hindi siguro makapaniwala na gan'to karami ang nanunuod.

"They just having a 3v3 game tapos ganito na? Halos lahat ng student sa AVU nandito na yata ah" sabi pa nito.

On The Thin Ice Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon