Chapter 37

27.5K 979 554
                                    

Ilang araw na ang lumipas nang magising si Tita Achantel. At ngayon nga ay naghihintay ako kay Miss Ragel na matapos ang meeting nila upang sabay kaming pumunta sa SMH para dalawin si Tita.

Makalipas ang ilang minuto ay nakita ko na rin na nagsilabasan ang mga professor sa Conference room. Agad naman akong nakita ni Ragel and I become dumb while looking at her direction. She raised a brow and walked like a model closer to my place. Kasabay niya sina Prof. Kayleigh
Yhashen, Galveston at Rie.

"Ehem! Hi Kale!" Bigla akong natauhan dahil kay Prof. Kayleigh na mapang asar pang tumawa.

"Hindi naman halatang inlove inlove ka kay Ragel 'no?" dagdag pa niya tsaka tumawa. Si Prof. Kayleigh lang talaga ang maingay sa mag kakaibigan na 'to.

Muli akong napatingin kay Miss Ragel na ngayon ay nakatitig lang sa'kin kaya hindi ko alam kung iiwas ba'ko o makikipag titigan sa kanya gayong alam ko na nakatingin sa'min
ang mga kasama niya.

"You know wha-myghad Ragel!" reklamo ni Prof. Kayleigh nang bigla siyang hampasin ni Miss Ragel.

"Did I give you permission to touch her?" Miss Ragel asked to Prof. Kayleigh na ngayon ay mukhang nagulat sa biglang turan ni Ragel.

"I'll go ahead first" nabaling naman ang tingin namin kay Prof. Sullivan nang bigla itong umalis matapos sabihin 'yon.

"Angas mo naman Kale, dalawang Professor ng AVU." Hindi ko masyadong naintindihan 'yung sinabi ni Prof. Kayleigh kaya naman napapailing nalang siyang tumingin sa'kin. Habang 'yung dalawang Professor ay kanina pa tahimik. Si Prof. Galveston na abala sa cellphone niya at ganun din si Prof. Yhashen.

"You okay?" tanong ko kay Miss Ragel nang makitang nakatingin pa rin ito sa dinaan ni Rie paalis.

"Y-yes, it's just that..." sabi nito tsaka tumingin sa'kin.

"Masama ba pakiramdam mo? Uwi na tayo?" tanong ko sa kanya na ikinailing niya lang.

"I'm fine. May iniisip lang." sagot niya na ikinatango ko nalang kahit gusto kong itanong kung ano iyong iniisip niya.

"If you're thinking about Prof. Sullivan again. I want you to know that you'll always have me, okay?" sabi ko na ikinatango niya nalang tsaka humawak sa kamay ko.

"Sige lang, kunwari wala kami rito" napatingin naman kaming muli sa tatlong professor na ngayon ay seryosong nakatingin sa'min.

"Gosh, cringe people" sabat ni Prof. Galveston tsaka pinaypayan ang sarili gamit ang kamay.

"Akala mo naman hindi kinikilig sa pinsan ni Kale, sino nga ulit iyon?" asar sa kanya ni Prof. Kayleigh dahilan upang umiwas siya ng tingin.

"Freya Ceres Inyene Lacoste" sabat ni Prof. Yhashen na ikinatawa ni Prof. Kayleigh dahil nakita namin ang pamumula ng mukha ni Prof. Galveston.

"Alam na alam ang full name, Yhashen ah." Napangisi nalang si Prof. Yhashen habang nakatingin kay Prof. Galveston na ngayon ay iwas na iwas.

Napatingin naman ako kay Ragel nang maramdaman ang paghigpit niya ng hawak sa kamay ko.

"I'm starving." bulong niya

Napatingin pa'ko sa wall clock na nandito sa labas ng conference room upang malaman ang oras at mag sisix pm na rin naman.

We're about to leave nang marinig kong magsalita sina Prof. Kayleigh.

"Good evening, Dean" bati nila. Miss Ragel is about to let go my hand nang marinig na si Dean iyon pero tumingin lang ako sa kanya na parang sinabi na "It's okay" kaya nagdadalawang isip man ay hinayaan niya lang ako.

On The Thin Ice Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon