Chapter 36

30.5K 1.1K 724
                                    

"Mrs. Alcazar's operation was successful. You don't need to worry, Rai."

Tuloy tuloy lang akong naglakad hanggang sa makarating kami sa opisina ko. Agad kong hinubad ang suot kong white coat at mabilis naman 'yong kinuha ni Caine mula sa kamay ko.

"I have bigger fish to fry this week, so make sure you're going to check her everytime. Kung kailangan minu minuto gawin niyo." saad ko bago tuluyang naupo sa swivel chair.

Nakita ko namang tumango siya bago nagsalita.

"We'll do that, Doc. We're going to make sure she's in the right care." seryosong sabi ni Caine na ikinatango ko nalang.

Makalipas ang ilang minuto ay napag pasyahan ko na rin na umalis. Tatlong araw na ang nakalipas mula noong kaarawan ni Tita Achantel, at kina-umagahan non ay isinagawa rin namin agad ang operation sa kanya.

Nandito ako ngayon sa SMH upang siguraduhin na maayos ang kalagayan niya, ngunit sinisigurado ko muna na walang nagbabantay sa kanya. She's still unconscious but I'm sure mamayang gabi o bukas ay magigising din siya.

Kasalukuyan akong sakay ng elevator nang bigla itong tumigil sa ika-apat na palapag. Kasabay ng unti unting pagbukas ay ang magtama ng paningin ko sa babaeng abala sa pagtingin sa loob ng bag niya na tila may hinahanap.

Nang tuluyang bumukas ang pinto ay tsaka lamang siya nag angat ng tingin at sakto ring pagtama ng aming mga mata. Kapansin pansin sa mukha nito ang tila labis na pagod, dagdag pa ang sandaling pagdaan ng lungkot sa mata nito habang nakatingin sa'kin.

Tumikhim ako kasabay ng pag iwas niya ng tingin at tila nagdadalawang isip pa siya kung papasok ba siya o hindi dahil marahil ay ako lang ang tao sa loob.

Napasandal na lamang ako sa glass wall at pinag krus ang mga braso nang makita siyang tuluyang pumasok tsaka pinindot ang ground floor.

I heard her sighed kaya naman ay napatingin ako sa kanya kahit likod lang naman ang nakikita ko. Mukhang kakagaling nya lang sa AVU dahil sa suot niya.

Wala ni isa mang nagsalita sa'min hanggang sa makarating kami sa ground floor. Magsisimula na sana akong maglakad muli ng bigla niya akong hilahin sa kung saan.

"Miss Ragel wha-"

"Let's talk." tipid na sabi niya at halata sa boses nito ang pagod.

Ito ang unang beses na mag uusap kami simula nong pumunta kami ng palawan. Kaya naman ay hindi na'ko nagmatigas pa at nagpahila na lamang sa kanya.

Ilang minuto pa ay nakarating kami sa tahimik na parte ng parking lot. Marahan niyang binitawan ang kamay kong hawak niya tsaka siya humarap sa'kin.

"What are we go-"

Kanina niya pa tinuputol ang dapat na sasabihin ko.

"Why are you not attending your class, Ms. Inyene? And what are you doing here?" tanong nito habang diretsong nakatingin sa'kin.

Is she seriously asking me that?

"Why?" I asked instead, that made her raised her eyebrows.

"What why?"

"Why you asking me such questions, Miss Ragel?" tanong ko na ikina buntong hininga niya. Kahit naman alam kong tinatanong niya 'yan dahil hindi ako pumasok at dahil nagtataka siya kung bakit ako nandito imbes na nasa AVU.

"I'm your Professor, Inyene. Of course I will ask such questions because you didn't attend my class for 2 days." madiing sabi niya sa huli.

Hindi ako pumapasok dahil sinisigurado kong maayos si Tita.

On The Thin Ice Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon