Chapter 32

31.5K 1K 606
                                    

Nauna akong nakarating sa isla dahil pagkababa ko ng jet plane ay muli akong sumakay ng chopper samantalang sila ay sa isang yate.

Masaya akong sinalubong ni Manang Tes kasama ang asawa niyang si Tatay Edie. Sila 'yong pinagkakatiwalaan kong magbantay dito sa isla, may mga ilang tauhan din na abala sa kanilang ginagawa.

"Ang tagal mong hindi nakapunta dito, nak" saad ni Manang matapos bumitaw sa yakap.

"You know that I'm such a busy human being, Manang" sagot ko na ikinatawa niya.

"Ikaw talagang bata ka, sige na magpahinga ka muna at ihahanda ko ang makakain niyo." sabi niya na ikinatango ko nalang tsaka ngumiti.

Natatanaw na rin kasi mula dito ang yate na sinasakyan nina Eya.

Dumeretso na'ko sa loob ng bahay at umakyat sa kwarto ko. May sariling kwarto rin naman ako sa hotel pero mas gusto kong mag stay sa bahay na'to.

Kaya hindi na rin ako nag abalang magdala ng damit or gamit dahil meron naman ako rito. Nakaramdam ako ng pagod kahit isang oras lang naman 'yong byahe, kaya hinayaan ko ang sarili ko na magpahinga at hindi ko na namalayan na nakatulog ako.

•••

Nagising ako dahil sa katok mula sa pinto ng kwarto ko.

"Soraia 'nak, kakain na. Naghihintay na ang mga kasama mo sa baba." I heard Manang said.

Napatingin ako sa oras at bahagya pang nagsalubong ang kilay ko.

7:43 pm.

Hindi na nga ako nakapag breakfast, hindi pa'ko nagising nung nag lunch?Ilang oras din pala 'kong nakatulog, sa pagkakatanda ko kasi quarter to 1 pm ako nakarating dito. So, hindi nga talaga ako nagising nung lunch?

Naglakad ako sa may pinto upang pagbuksan ni manang na kanina pa kumakatok.

"Jusko kang bata ka, ginigising kita kaninang tanghalian hindi ka naman sumasagot." sabi niya nang buksan ko ang pinto.

"Sorry Manang, napa lalim yata ang tulog ko" inaantok na sabi ko sa kanya.

"Sige na bumaba ka na, kanina ka pa hinahanap ng mga kasama mo."

"I'll just take a quick shower, Manang. Then I'll go downstairs afterwards." sagot ko na ikinatango niya.

"Osiya, bilisan mo."

Pagkatapos ng mabilisang ligo ko ay lumabas na rin ako ng kwarto. I'm wearing a black spaghetti strap paired with short and slippers.

While stepping downstairs, I tied up my hair into a messy bun.

"What the fuck.."

"Oh my God.."

"Damn, ang init dito."

Dahil sa narinig ay biglang nabaling ang tingin ko sa living room. Nagsalubong ang kilay ko dahil lahat sila ay nakatingin sa'kin na bahagyang nakaawang ang mga bibig.

"Huy, 'yong laway niyo tumutulo!" malakas na sabi ni Eya.

Kanya kanya naman silang punas ng bibig, mapalalaki o babae dahil sa sinabi ni Eya.

"Wala naman ah!" sigaw ng isang lalaki.

Nagsitawanan naman 'yong apat kasama si Saihira. Napailing nalang 'yong tatlong Professor na kasama ni Miss Ragel. Habang 'yong babaeng iniiwasan ko at 'yong sa tingin kong isa pang professor na kasama nila palagi ay seryoso lang na pinagmasdan ako.

"Hi, Kale" the boys said in sync kaya muling nagsitawanan sina Eya.

Tumango nalang ako sa kanila at nagsimulang maglakad sa kitchen dahil nakita kong nandoon si Manang.

On The Thin Ice Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon