"What are you doing here? This is my place." sabi ko sa batang naabutan kong nandito sa lugar na palagi kong pinupuntahan.
Hindi ko siya narinig na sumagot. Hindi ko rin naman makita ang mukha niya dahil nasa mga tuhod niya iyon.
"Hey, I'm asking yo-" I cut myself off nang marinig ko ang mahinang paghikbi niya at tsaka siya umangat ng tingin sa'kin.
Napalunok nalang ako nang makitang basang basa ng luha ang mukha niya. Naglakat din ang ilang hibla ng buhok sa mukha niya.
"Ca-can I stay here for a while?" tanong niya na ikinatango ko nalang dahil patuloy pa rin siya sa pag iyak.
Naupo ako hindi kalayuan sa kanya at pinanuod lang siyang umiyak. Ayaw ko naman siyang tanungin dahil hindi ko naman siya kilala. Siguro ay naagawan lang siya ng laruan ng ibang bata kaya siya nagkakaganyan.
Pero mukhang nagkakamali ako dahil paulit ulit niyang binabanggit ang mommy at daddy niya. Mukha naman talaga siyang rich kid sa mukha at suot niya palang kaya hindi na'ko magtataka kung may naghahanap na sa batang 'to ngayon.
Makalipas ang dalawang oras ay hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak kaya napagpasyahan ko nang lapitan siya.
"Kanina ka pa umiiyak wala ka bang balak tumigil? Hindi ka ba napapagod kakaiyak?" tanong ko sa kanya pero hindi ako pinansin.
Attitude ang batang 'to ah.
"Oh tubig baka maubusan ng tubig 'yang katawan mo kakaiyak" sabi ko sabay abot sa kanya ng tubig na nasa tumbler ko. Agad naman niyang tinanggap 'yon, pagkatapos uminom ay binalik niya naman sa'kin.
Nakita ko siyang tumayo at inayos ang sarili bago siya tumingin sa'kin.
I raised my eyebrows on her dahil wala itong emosyon na nakatingin sa'kin.
"Is this your place?" tanong niya habang diretsong nakatingin sa'kin.
Tumango ako.
"Well, your place looks neglected and I don't like the atmosphere here. And you don't have marshmallow here kaya aalis na'ko, bye!"
Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay mabilis na siyang tumakbo paalis. Hindi makapaniwala naman akong tumingin sa kanya na tumatakbo paalis.
Gosh! That kid!
Inilibot ko naman ang paningin sa buong lugar. Hindi naman mukhang inabandona ang lugar na 'to tsaka bakit naman ako maglalagay ng marshmallow dito?
Kinabukasan ay muli ko siyang naabutan sa lugar na sinasabi niyang mukhang inabandona.
"What are you doing here, again?" tanong ko sa kanya pero nagkibit balikat lang siya habang matuloy sa pagkain ng marshmallow na dala niya.
Tumingin ako sa mukha niya, mukhang kakagaling niya lang ulit sa pag-iyak pero infairness ang ganda ng eyes niya, maganda siya, ugali lang yata ang hindi maganda sa batang ito.
"Gusto mo?" tanong niya sabay abot sa'kin nung marshmallow.
Umiling ako.
"No thanks, mukhang kulang pa sa'yo" pagtataray ko pero seryoso lang siyang tumingin sa'kin.
Masyadong seryoso ang batang 'to.
"I can buy you a millions of marshmallow if you want." she seriously said at nagpatuloy sa pagkain.
BINABASA MO ANG
On The Thin Ice
RandomProfessor x Student Status: Completed Date posted: July 14, 2022 - February 4, 2023