Chapter 19

28.4K 955 133
                                    

Nagpatuloy ang laban sa score na 63-56, lamang pa rin ang Bronson.

Kasalukuyang nasa 3rd quarter na ngunit hindi pa rin naglalaro si Seirra.
Kilala ko ang isang ito, hindi naglalaro pag alam niyang walang kwenta 'yong kalaban, same as me pero maglalaro lang ako kapag kailangan na tsaka nakakatamad naman talaga makipag laro sa team na kagaya ng Bronson.

Si Ghel ang may hawak ng bola habang mahigpit naman ang bantay sa kanya nung number 12 kaya nahihirapan itong ipasa ang bola. Nag fake jump si Ghel na kinagat naman ni number 12 kaya nakalusot si Ghel at naipasa ang bola kay Gillian na naka pwesto right wing at mabilis naman niya itong itinira mula sa three point line

"REBOUND!" sigaw nito kay Koime na naka pwesto sa ilalim ng ring at ganun rin 'yong number 23 ng kabilang team.
Nag gigitgitan pa sila, matangkad si Koime at alam kong malakas ang pwersa ng isang 'yan kaya naman hindi na nakapagtataka na nakuha niya ang bola at muling tumalon upang i - dunk ang bola.

Naghiyawan naman ang mga taga AVU dahil dun. Napatingin ako sa number 4 na kasalukuyang dinidribble ang bola, pumwesto ito sa three point line tsaka tumalon para itira ang bola ngunit nagawang mai-block ni Yuena ang tira niya at mabilis nitong kinuha ang bola at tumakbo. Mabilis naman na sumunod sa kanya ang lahat at mabilis na nakahabol si number 4 sa kanya. Hinarangan niya si Yuena ngunit mabilis na nalagpasan siya ni Yuena at tumalon pero hindi niya tinira ang bola sa halip ay ipinasa niya patalikod ang bola kay Hairi na nasa left wing dahil open ito sa three point line.

"WOOOOHHHH GO AVU!!!" malakas na hiyawan ng mashoot ni Hairi ang bola.

Nagtuloy tuloy lang ang laro at nakakahabol na ang AVU sa score na 68-65, lamang ng tatlo ang Bronson.
Sakto namang pumasok 'yong tira ni Hira na tres ng may tumunog, hudyat na tapos na ang 3rd quarter. Parehong 68 ang score kaya naman nag thumb down sa Bronson si Hira tsaka mayabang na ngumisi bago lumabas ng court.

"Halata na ang pagod sa dalawang kupunan partner, ngunit matatapos yata ang larong ito laban sa Bronson University ng hindi man lang naglalaro ang co-captain ng AVU!" saad ng announcer na ikinatingin ng karamihan kay Seirra na wala lang namang pake.

"Tama ka dyan partner, kung ang co-captain ay hindi naglalaro, ang kanilang captain ay talagang hindi pa natin nakikitang maglaro, TAMA BA AKO!?" malakas na sigaw nang babaeng announcer sa huling linya.

"YEEESSSSSSSS!" malakas na sigawan nila. Napansin kong hindi makapaniwalang nakatingin ang kupunan ng Bronson sa team ng AVU, ganun rin ang halos karamihan na siguro ay ngayon lang nalaman ang tungkol sa bagay na 'yon.

"Karamihan siguro sa inyo ay hindi alam ang tungkol doon ngunit kagaya niyo ay nagulat rin kami ng malaman ang tungkol dito" saad muli ng babaeng announcer.

"Yung mga mukha ng Bronson ang epic oh" tawang tawang sabi ni Eya.

Binaling ko ang tingin sa babaeng kanina pa tahimik. Seryoso lang itong nakatingin kina Seirra at mukhang malalim ang iniisip. Pasimple kong tinext si Seirra na mag laro na siya this 4th quarter at palitan si Ghea na kanina ko pa napapansin na pasimpleng sinisiko ng number 12 pero hindi nakikita ng referee.

Tumingin naman ito sa gawi ko ng mabasa ang text ko tsaka tumango ng marahan. Kinausap niya ang team tsaka sila tumayo ng tumunog ang buzzer, hudyat na magsisimula na ang 4th quarter. Naiwan na nakaupo si Ghea, Gillian at Tasia since kaninang 1st quarter pa sila naglalaro.

"The co-captain of AVU number 8, Seirra Randell Camorra will play! Akala ko'y matatapos ang 4th quarter na hindi siya maglalaro" natatawang saad ng lalaking announcer

Nagsimula ang 4th quarter at hindi na hinayaan nina Seirra na maka score ang Bronson kaya naman nanatili ang score nila sa 68. Kapag nasa kanila naman ang bola ay mabilis din itong ma steal ni Seirra o kaya naman kung titira sila ay palaging na boblock ito ni Yuena na ikina-iinis nila. Kahit na mandaya sila ay hindi din naman sila mananalo.

On The Thin Ice Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon