Pontevedra.
Nakita ko kung paano siyang nabigla sa sinabi ko. Unti-unting umawang ang labi niya habang nakatingin sa akin. Sunod-sunod niyang iniling ang kaniyang ulo, hindi naniniwala—o hindi makapaniwala.
I nodded. "Yes, Carlo. I was raped so please don't come near me again. Wala na tayong kahit anong ugnayan pa. Wala kang aasahan sa akin."
Buong-buo ang boses ko habang sinasabi ko iyon pero unti-unti akong nadudurog habang sinasabi ito sa kaniya. Kung hindi lang sana ito nangyari sa akin, siguro masaya kami ngayon. Baka sakaling no'ng pagbalik niya galing ibang bansa, ako na mismo ang tumakbo palapit sa kaniya.
"N-No, Rei. Hindi totoo 'yan."
Nagulat na lang ako nang hatakin niya ako palapit sa kaniya. Hinawakan niya ang mukha ko at hinaplos ito gamit ang nanginginig niyang mga kamay.
Napapikit ako hanggang sa tuloy-tuloy na ang bawat pagpatak ng luha ko. Malakas akong humagulgol nang mararamdaman ko ang pamilyar niyang haplos sa akin.
Sobra-sobra ang pangungulila ko sa kaniya.
"Putangina, Reisha."
Napaupo siya sa sahig matapos akong bitawan. Tinakpan niya ang kaniyang mukha gamit ang palad niya. Rinig na rinig ko ang malalakas na buntong-hininga niya hanggang sa naging hagulgol ito.
I was 17 when I first met Carlo. It was my 17th birthday. Daddy invited all his business partners, and all the famous personality that he know, including the politicians. We may be a private family pero maraming connection si Daddy. That's why when we have a party, expect that even the country's President will come.
I enjoyed being in the spotlight. Gusto ko laging nakasentro sa akin ang atensyon ng mga tao, that's why I always choose to have a big birthday party and invite my schoolmates to brag about it.
Pero this time, nasira ang birthday party ko because of Daddy. He announced that they're fixing my marriage to someone that I don't even know. Ni hindi ko nga alam kung matanda ba siya, o pangit, o kaya naman mabaho.
"I am announcing the merging of De Dios and Moran thru marriage. My daughter here, Reisha, will marry the son of De Dios, Carlo, in the right time."
Maraming namangha sa sinabi niya. Para bang sobrang swerte namin sa bagay na iyon. Nagpalakpakan ang mga tao habang ako naman ay parang apoy na nagliliyab dahil sa galit.
"Daddy!"
Inis akong nagmartsa paakyat ng aming engrandeng hagdan. Inaangat ko pa ang mabigat at mahaba kong red gown.
"Be careful, you might tripped."
Masama ang tingin kong binalingan ang baritonong boses na nagsalita. Agad naman ding umawang ang bibig ko nang makita siya.
How old is this guy? He looks older than me but he's so damn hot!
Buti sana kung sa kaniya ako ipapakasal ni Papa, I would definitely agree.
Bigla kong gustong batukan ang sarili. Really, Reisha? Nakalimutan mo na ba ang pangako mo sa sarili mo?
Hinawakan niya ang dulo ng gown ko saka ako tinulungang itaas ito. Sinenyasan niya akong magpatuloy sa pag-akyat. Ilang beses pa akong kumurap saka ngumuso bago marahan na pumanhik ng hagdan.
Nakakita ka lang ng gwapo, bumigay ka na agad? Baka nakakalimutan mong you hate older guys kasi magaling silang mag-manipulate.
Marahas kong binuksan ang pintuan ng study ni Daddy. Talagang may meeting siya sa mismong araw ng birthday ko? Matapos niyang sabihin ang lahat ng iyon sa harapan ng mga bisita ko? Ano na lang ang sasabihin nila sa akin!
BINABASA MO ANG
Why Do You Love Me (Pontevedra Series #2)
RomanceFate. What is fate? According to my research, it is to be destined to happen, turn out, or act in a particular way. Iyon na ang dapat na mangyari e-nangyari na e. May magagawa pa ba? It is what it is kaya tatanggapin na lang? Para bang kahit anong...