Kabanata 30

162 7 3
                                    

Father.

"Gabriella's stepmother is wanted."

Nanlaki ang mga mata ko sa bungad ni Carlo sa umaga ko.

"W-what happened?" Kinakabahan kong tanong.

"She hired a gunman to kill Ate Ayla before..."

Napasinghap ako.

What the fuck? Paanong nangyari iyon?

Gabriella told me before that she is a good person and she is like her second mother na. Hindi naman daw mapapalitan nito ang si Tita Ayla pero mahal niya rin daw si Ms. Janah Bernal. Alam ko at sigurado akong nasasaktan si Gabriella ngayon.

"Nagkabarilan sila ni Kuya sa bahay nila sa Cebu. Nasa Pontevedra sila ngayon. Galit na galit si Kuya dahil ngayon lang niya nalaman na may anak sila ni Gabriella. Alam mo ba 'to?"

Napaiwas ako ng tingin sa tanong niya.

"Kuya wanted us to go in Pontevedra. But, I told him that we're safe here. We have bodyguards outside your house already," sabi niya.

"Hindi naman yata tayo madadamay. She doesn't know us," I answered.

"Mabuti nang sigurado, Rei. I won't risk your safety lalo na dahil nandito ang anak natin."

"Is Gabriella fine?" Tanong ko.

Tumango siya.

"How about Chanelle?" Tanong ko ulit.

Kumunot ang noo niya. "Chanelle?"

"Her daughter. That's her name. Chanelle Ayla."

"So, you knew?"

Ngumuso ako. "Hindi ko gustong pangunahan si Gabriella. I already know that Cartier will eventually meet his daughter. Kamukha niya naman si Chanelle e."

"They are all in Pontevedra now. Kapag nahuli raw si Janah Bernal, saka maghahanda si Mama ng pagtitipon para sa anak ni Gabriella. Hindi ko pa nagbabanggit si Rouge sa kanila pero alam kong matutuwa rin sila kapag nakilala ang anak natin."

Binalingan ko siya. Naabutan ko siyang nakatingin kay Rouge habang sinusuklay ang mahabang buhok ng aking anak.

"Carlo, it's okay if you tell them about what happened with m-me," sagot ko. "Hindi mo kailangang sabihin ang tungkol kay Rouge lalo na't alam natin ang totoo."

Ayaw kong may makaalam sa tunay na nangyari sa akin bukod kay Carlo pero hindi pa rin ako sang-ayon sa balak niya kay Rouge. Nahihiya ako. Nahihiya ako na haharap ako sa pamilya niya na nanganak at nabuntis ng ibang tao. I met his family and I know that they're good people that make me feel guilty for treating him bad before.

Pakiramdam ko hindi ko deserve na tratuhin nila nang gano'n dahil marami akong ginawang mali sa anak nila.

"I understand your point, Rei. But, I already told you, right? Rouge is mine. You two will carry my last name."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"What are you saying? I won't marry you, okay?" Singhal ko.

Natigil siya sa pagsusuklay sa buhok ni Rouge. Binalingan niya ako at pinagkunutan ng noo.

"I remember how many times you told me that over and over before," he laughed. "Don't you really love me?"

Natahimik ako sa tanong niya.

Bakit ba hirap na hirap akong aminin sa kaniya ang tunay na nararamdaman ko? Bakit ba hindi ko kayang sabihin sa kaniya ang totoo?

I do love him pa rin pero ang pumipigil sa akin na bumalik sa kaniya ay ang sitwasyon ko ngayon.

Why Do You Love Me (Pontevedra Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon