Kabanata 26

147 6 4
                                    

Better.

"Hello, Ian. I won't go to office for the next days. Hindi ko alam kung kailan ako babalik basta hindi ngayon..."

Marahan akong gumalaw nang marinig ang boses ni Carlo.

"Just send me the important papers and shop for my personal things. I'll send you the address of my current location."

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niya. Binalingan ko siya na nakaupo sa kabilang side ng kama, pinagigitnaan namin si Rouge na natutulog. Nanlaki ang mga mata ko nang balingan ang wall clock. Gabi na pala? Gaano ako katagal na natulog?

"You're awake," bulong ni Carlo nang bumangon ako.

Nilagay niya sa bedside table ang kaniyang cellphone bago binigay sa akin ang kaniyang buong atensyon.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko habang inaayos ang pagkakatali ng aking buhok.

"Bakit ako uuwi? Nandito ang pamilya ko," sagot niya.

Binalingan ko si Carlo dahil sa sinabi niya. Pagod na akong makipagtalo sa kaniya dahil paulit-ulit lang ang sinasabi niya. Bumuntong-hininga na lang ako.

"Bumalik ka na lang bukas kung gusto mo," sabi ko.

"There are vacant rooms here, Rei. I will stay here," giit niya.

"Did I agree? No, right?" Iritang sabi ko. "Mag-check in ka na lang!"

"I will pay for my stay here," simpleng sagot niya.

"What!" Inis kong singhal.

Sinenyasan niya akong tumahimik nang gumalaw si Rouge. "Don't shout. My son is sleeping," sabi niya habang inaayos ang buhok ng anak ko.

"Carlo—"

"I know what you want to say, Rei. Ikaw ang tumigil dahil alam mong hindi ko kayo titigilan ng anak ko," malamig niyang putol sa kung anomang sasabihin ko.

Sabay kaming natahimik nang gumalaw si Rouge. Marahan siyang tinapik-tapik ni Carlo pero uminat na ang bata.

"See? Nagising tuloy," bulong niya nang balingan ako.

Inirapan ko siya bago naupo sa tabi ni Rouge. "Ngayong oras talaga siya nagigising," sagot ko habang nakatingin sa anak.

"Mam...ma," ngumiti si Rouge nang balingan ako.

Inalalayan ko siya nang bumangon siya at naglakad papunta sa akin. Siniksik niya ang mukha niya sa aking leeg saka ako mahigpit na niyakap. Napangiti na lang ako.

"W-what do you want for dinner?" Tanong ni Carlo dahilan para balingan ko siya.

Nakatitig siya sa amin ni Rouge. Napalunok pa siya nang tingnan ang mga mata ko. Nakita ko kung paanong pumatak ang isang luha galing sa kaliwang mata niya. Napaiwas ako ng tingin. He looks...miserable.

"W-what do you want? I'll cook for us," sabi ko.

Hindi ko alam kung nakita ko na bang ganito ka-miserable si Carlo. I don't like seeing him hurt but I know that I am hurting him now. I know that I leave scars on his heart when I left.

Nagulat ako nang lumapit siya sa amin kasunod no'n ang pagbalot sa amin ng mainit niyang katawan. Napakurap ako nang ilang beses sa ginawa niya.

"I l-love you so much..." Umiiyak niyang sabi sa akin. "Please, don't leave me again, Rei. Hindi ko na k-kakayanin."

Nanginginig ang boses niya at nabasag pa iyon. Ramdam ko ang mainit na hininga niya sa balikat ko.

"Dad...da," bulong ni Rouge habang pilit na gumagalaw.

Why Do You Love Me (Pontevedra Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon