Date.
Pagod ako sa mga sumunod na araw dahil tuloy-tuloy ang practice namin for cheerleading. Na-delay rin tuloy ang ilang endorsements ko dahil doon. Peke akong ngumiti matapos ang final stunt namin. Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid namin. Maingat akong binaba ng mga kasama ko. Ang sabi ko, hindi ako papayag na buhatin pero pinilit nila. Nakakainis talaga sila! Hindi na talaga ako uulit dito.
"Great performance, guys!" Pumalakpak ang choreographer namin matapos naming mag-kalasan.
Kinuha ko ang tubig ko na nasa loob ng duffel bag ko saka iyon pinangalahatian. Saglit pa kaming nagpicture pagtapos no'n. Kating-kati na akong umalis dahil naiirita talaga ako sa kanilang lahat.
Hindi na ako magpapanggap na masaya akong kasama sila dahil alam naman nilang lahat na masama ang ugali ko. I even have an argument with our choreographer during our practice.
"Thank you for joining the team, Ms. Moran," bati sa akin ng prof namin nang makitang mag-isa ako.
Umiling ako habang pinupunasan ang pawis ko. "I'll not join, Mr. Fuertes. Ngayon lang 'to kasi pinagbigyan ko kayo."
Napawi ang ngiti niya sa sinabi ko. Bumuntong-hininga siya at tumango. "Pasensya ka na kung napilit ka dahil sa nangyari sa classroom niyo..."
Ang sinasabi niya, iyong nagkasagutan kami at ang iilan kong blockmate.
"But I do appreciate that you joined the performance for this event."
Tumango ako. "No problem, Sir."
Tinapik niya ang balikat ko saka binalingan ang mga kasama ko. Inirapan ko sila nang makita ang tingin nila sa akin. Nagkakasama man kami sa mga practices, pero hindi ko talaga sila maka-sundo. Kinuha ko ang bag ko saka dumiretso sa bench kung saan nakaupo ang dalawang kaibigan ko.
"Wow! Bagay pala sa'yo maging cheerleader," tumatawang sabi ni Charlynn nang ilapag ko ang bag sa gitna nila.
Umurong si Charlynn para makaupo ako sa gitna nilang dalawa ni Gabriella na busy sa ginagawang draft ng article sa naganap na foundation week.
"Tigilan mo ako, Charlynn. I'm so exhausted," reklamo ko.
Inabutan ako ni Gabriella ng panyo bago siya muling humarap sa kaniyang laptop. May maliit na camera pa na nakasabit sa kaniyang leeg.
Atleast, kahit papaano, nag-enjoy ako hindi gaya ni Gabriella na nag-aaral tuwing may ganitong event.
"Reisha, hindi ka raw ba sasama sa celebration?" Tanong ng kasama ko sa cheerleading.
Umiling ako at umirap. "May lakad ako."
Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya. "Sige, sabihin ko na lang."
Naupo ako sa gitna ng dalawa nang makaalis siya. Nilabas ko ang cellphone ko para magtipa ng mensahe kay Tyra. May ipapakilala raw kasi siya sa akin.
"May lakad ka?" Tanong ni Gabriella.
Tumango ako. "Agency."
"May bago kang endorsement?" Tanong ni Charlynn.
Nagkibit-balikat ako. "I don't know."
Tinext ko si Tyra at sinabing pwede na akong sunduin. Mabilis naman siyang nagreply at sinabing papunta na si Baldo para sunduin ako.
"I'll go muna. Sa bahay na lang tayo magkita," sabi ko.
Humalik ako sa pisngi nilang dalawa bago lumabas ng university. Naroon na ang van na may pangalan ng aking agency nang makalabas ako. Nakaabang doon si Baldo na nakasandal sa pintuan ng passenger's seat.

BINABASA MO ANG
Why Do You Love Me (Pontevedra Series #2)
RomanceFate. What is fate? According to my research, it is to be destined to happen, turn out, or act in a particular way. Iyon na ang dapat na mangyari e-nangyari na e. May magagawa pa ba? It is what it is kaya tatanggapin na lang? Para bang kahit anong...