Daddy.
"Hi, Baby!" Ngumiti si Kuya Vlad habang kumakaway sa mapungay na mga mata ng aking anak.
Matapos kumalat ang litrato namin ni Rouge, hinanap kami kami sa Palawan ni Kuya Vlad. Wala na kasi akong contact sa kanila dahil pinutol ko na. Alam ko namang walang kasalanan sa akin si Kuya pero sa laki ng tampo ko kina Mommy at Daddy, nadamay siya.
"Can I carry him?" Tanong niya sa akin.
Umirap ako at ngumuso. "You should change your clothes muna, Kuya, tapos mag-alcohol ka."
"Yes, Mommy Rei!" Ngumiti siya sa akin bago pinisil ang pisngi ko.
May dala siyang gym bag na mukhang puno ng damit niya. Tinuro ko sa kaniya kung saan ang guestroom. Lima kasi ang kwarto rito sa bahay ko sa Palawan. Dalawa sa second floor kung saan ang dalawang master's bedroom at tatlo sa third floor. Ni hindi ko pa napapa-renovate dahil agad akong lumipat dito nang pinalayas ako ng magulang ko.
Mabilis na bumalik si Kuya. Puting t-shirt at cotton shorts ang suot niya. Mukhang napaghandaan niya pa ang pagbisita rito dahil bago rin ang slippers na suot niya.
"I wanna carry my nephew, Rei," paalam niya habang nakatingin kay Rouge na tahimik na nakayakap sa braso ko.
Wala akong nagawa kundi maingat na inilipat sa braso niya si Rouge. Parehas pa kaming kinabahan dahil gumalaw ang anak ko habang nasa bisig niya.
"Hello, handsome!" Ngumiti si Kuya sa kaniya. "I am your Tito."
"How did you find me?" Tanong ko.
Binalingan ako ni Kuya habang sinasayaw si Rouge. "Nagtanong ako rito. Hindi ka naman daw lumalabas pero may kilala raw silang modelo na nakatira rito tapos tinuro itong bahay mo."
Ilang beses kaming lumabas ni Rouge kahit na nakuhanan kami. Minsan ay nasa garden kami at doon kami tumatambay ni Rouge. Marami ring nakakakita sa akin kapag nag-oorder ako ng kung ano-ano online.
Ngumuso na lang ako at umirap. "Kailan ka uuwi?"
"What? Kakarating ko lang, Rei. Anong uuwi?" Tanong niya na para bang nainsulto sa tanong ko.
Pinigilan kong magdiwang sa sinabi niya. Ngayon lang ako nagkaroon ulit ng kasama sa bahay. Hindi alam ni Kuya kung gaano kalaking bagay sa akin na binisita niya kami ngayon.
"Susunod dito sina Mama at Papa. Ayos lang ba sa'yo?" Tanong ni Kuya sa akin.
Nagulat ako sa sinabi niya. May tampo pa ako kina Mommy at Daddy kaya hindi ko alam ang isasagot ko sa sinabi niya. At kung ako ang masusunod, ayaw ko pang makita sila.
"I'm sorry. Alam kong may galit ka sa kanila pero gusto nilang personal na humingi ng tawad sa'yo."
Bumuntong-hininga na lang ako at tumango. Hindi naman galit ang nararamdaman ko. Tampo siguro. Kasi hindi sila nagtanong ng tungkol sa akin, inuna nila ang galit nila. Kung pinakinggan ba nila ako, ganito pa rin takbo ng buhay ko? Sigurado akong hindi.
Buhat-buhat ni Kuya si Rouge habang nagluluto ako sa kusina. Naririnig ko pang kinukwentuhan niya tungkol sa kalokohan ko si Rouge kaya umiismid na lang ako.
"You cook good, Rei. I am so proud of you," humalakhak si Kuya nang matikman ang luto ko.
"Kuya, you're being so OA," natatawang saway ko.
Binalingan ko si Rouge na hawak ang bote ng kaniyang gatas. Marahan kong nilagyan ng kanin ang aking plato saka nagsalin ng soup sa bowl sa gilid ko.
"I didn't know that being a mother suits you until today," mahinang sabi ni Kuya sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/314232894-288-k878409.jpg)
BINABASA MO ANG
Why Do You Love Me (Pontevedra Series #2)
Любовные романыFate. What is fate? According to my research, it is to be destined to happen, turn out, or act in a particular way. Iyon na ang dapat na mangyari e-nangyari na e. May magagawa pa ba? It is what it is kaya tatanggapin na lang? Para bang kahit anong...