Kiss.
Don't reply:
I'm already in Manila. I'll meet your father later. What are you doing?
Don't reply:
If you want to eat a proper meal, I can tell our cook to go to your place, Reisha.
Don't reply:
Should I ask Manang Lisa to bring food for you?
Napairap ako habang binabasa ang sunod-sunod na text ni Carlo. Talagang pinanindigan ko ang pangalan niya sa phone ko dahil hindi ko talaga siya nireplyan. Wala akong balak! Kung hindi lang siya nagbanta na araw-araw uuwi rito, hindi ko talaga ibibigay ang number ko. I hate him so much!
Don't reply:
What are you doing?
Inis kong binato sa kama ang phone ko. Today is Saturday. Walang pasok. Niyaya ko sina Gabriella at Charlynn na magmall o gumala sa kahit saan. Gusto ko lang talagang maexplore ang Pontevedra at ang malapit na bayan dito.
"Ano ka ba? Magma-mall o may aattendang party?" Singhal sa akin ni Charlynn nang makitang nakasuot ako ng mahabang dress.
Inirapan ko siya. "E ikaw? 17 ka na ba talaga o elementary ka lang?"
"How dare you!" Malakas na sigaw niya at mahina pa akong sinabunutan.
"Kuya Leo, sa unahan na lang po ako kasi magpapatayan ang dalawang ito rito," biglang sabi ni Gabriella bago lumabas ng sasakyan.
May sariling driver si Charlynn kaya siya ang magha-hatid sa amin sa kabilang bayan. May mga malls daw roon. Ayaw raw kasi ng mga tao sa Pontevedra na masira ang magandang bayan kaya hindi sila pumapayag na magtayo ng malls at kung ano-ano rito.
Naiintindihan ko iyon. Kahit naman kasi sino manghihinayang na masira ang Pontevedra. Masyadong maganda ang paligid. Presko at walang pollution. Bagay na masarap sa pakiramdam.
"Dami mong pera," ani Cha nang makita ang total ng pinamili namin na ako nagbayad.
Ngumisi ako. Sa kapatid mo 'yan!
"Akala ko ba naputol ang cards mo?" Si Gabriella.
"Ibinigay sa akin ng sugar daddy ko," natatawang sabi ko habang isa-isang kinukuha ang paperbags.
"Walang hiya ka! Malandi ka rin pala!" Malakas na singhal ni Charlynn sa akin.
Inirapan ko na lang siya habang nakangisi. Iniabot ko sa kanilang dalawa ang binili ko para sa kanila. Si Gabriella ay hiyang-hiya pang tanggapin ang bigay ko habang si Charlynn naman ay humirit pa ng bag.
"Mayaman ka naman, bakit ayaw mong gumastos?" Tanong ko sa kaniya.
"Bakit pa? Uubusin natin pera niyang sugar daddy mo," tumatawang sabi niya habang nakanguso sa hawak kong card.
Gusto kong humagalpak ng tawa dahil sa sinabi niya. Kapag ba nalaman niyang sa kapatid niya ito, ganiyan pa rin kaya ang sasabihin niya?
"May kapatid ka ba, Rei? Baka pwede mo akong ireto?" Tanong bigla ni Cha habang kumakain kami.
"Kuya's in California for college," sabi ko.
"Bakit kaya gano'n mga Kuya 'no? Mas gustong malayo sa family. Mga may sapak..." biglang sabi ni Cha. "Sina Kuya naman nasa Manila lang pero hindi umuuwi. Bihira lang, as in!" Kwento niya.
Tinutok ko ang atensyon ko sa kaniya. Nakita niya sigurong nakikinig ako sa kaniya kaya niya pinagpatuloy ang kaniyang kwento.
"Si Kuya Cartier, ayaw ko roon! Nakakatakot kasi. Seryoso lagi parang kapag kinausap mo bigla kang sisigawan. Sinasagot-sagot ko lang 'yon pero takot talaga ako roon..." humalakhak siya.
BINABASA MO ANG
Why Do You Love Me (Pontevedra Series #2)
RomanceFate. What is fate? According to my research, it is to be destined to happen, turn out, or act in a particular way. Iyon na ang dapat na mangyari e-nangyari na e. May magagawa pa ba? It is what it is kaya tatanggapin na lang? Para bang kahit anong...