Kabanata 19

116 5 9
                                    

Swimming pool.

Nauna pa siyang makarating sa labas ng apartment namin. Masamang masama ang tingin niya sa akin na para bang sasabog siya sa susunod na sagutan namin.

Aba! Siya pa itong galit? Nagta-trabaho ako tapos susugod sa akin bigla!

Mabilis akong pumasok ng gate ng apartment namin matapos siyang irapan. Nakasunod naman siya sa akin, halata pa sa yabag na galit.

"Reisha!" Madiin niyang sabi sa likod ko.

Umirap ako. "Nakakainis ka! I told you not to go to my workplace!" Galit na sabi ko nang makapasok ng bahay.

"I told you, I don't like your manager! He's creep—"

"He is not! You're just jealous!" Singhal ko kahit na alam kong sa aming dalawa, ako lang ang nakakaramdam ng gano'n.

"And, so what if I am?"

Nagulat ako sa sagot niya. What?

"B-baka nakakalimutan mo kung ano tay—"

Are we still fuck buddies?

"You were engaged to me," sagot niya.

Natahimik ako roon. Humarap ako sa kaniya at kumurap nang ilang beses bago mariing lumunok.

"S-shut up!" Singhal ko bago nagmartsa paakyat ng kwarto ko.

Engaged, my ass.

Kahit na alam kong may kung ano sa amin, ayaw ko no'n. Hindi ko pa nakakausap ang pamilya ko. May pakiramdam ako na kaya nila ako hinahayaan ngayon dahil alam nilang maayos ang relasyon namin ni Carlo at hindi ko alam kung paano ko sisirain ang pinaniniwalaan nila na iyon.

Iritang-irita akong sumalampak ng kama ko. Hinagis ko lang ang bag ko sa sahig bago tinanggal ang sandals ko habang nakahiga.

"Rei, sabay-sabay na tayong mag-dinner," katok ni Cha sa kwarto ko.

Umirap ako.

Ayaw ko ngang kasabay ang kapatid mo!

Nakakainis ang isang iyon. Ilang beses na niyang pinag-iinitan si Louis. Lagi na lang naming pinagtatalunan iyon mula nang makilala niya!

"Alright, susunod na ako!" Sigaw ko.

"Hihintayin na kita para sure akong sasabay ka," sagot nito.

"Bahala ka riyan," sabi ko bago umirap sa ere.

Tinabunan ko ng comforter ang katawan ko nang marinig na bumukas ang pintuan ng kwarto. Mukhang kinuha niya ang susi.

"Come on! Bihira lang tayong sabay-sabay na kumain," sabi niya habang hinihila ang comforter ko.

Sinamaan ko siya ng tingin bago bumangon. Kumuha ako ng shorts at spaghetti strap na sando. Tinali ko ang buhok ko bago ako lumabas. Wala si Cha nang makalabas ako, baka nauna na sa baba.

Kung hindi ko lang naramdaman ang gutom ko, hindi ko bababaan ang pride ko para bumaba.

"Why are you still here!" Malakas na sigaw ko nang makitang nakaupo sa sofa si Carlo.

Ang mag-jowang sina Cartier at Gabriella ay nagha-hain na sa dining. Binalingan niya ako saka ako inirapan.

"I'll eat here," sagot niya.

"Ang kapal ng face. Dapat may ambag kayo sa grocery namin e."

"Should we buy groceries, then?" Bulong niya nang makalapit sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin bago naupo sa dining. Halos irapan ko ang dalawang nasa harapan ko. Nakangiti si Gabriella habang inaasikaso ni Cartier ang pagkain niya.

Why Do You Love Me (Pontevedra Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon