Kabanata 2

190 6 2
                                    

Iced Coffee.

I celebrated the Christmas and New Year alone. Of course, nakaramdam ako ng lungkot dito pero I don't have any other choice. This is one of the consequences of my decision.

I finished my junior high school year online, too. Mabuti na lang at pumayag ang dean namin na ipaonline ko na lang ang nalalabing buwan ko sa grade 10. Usap-usapan pa ako sa school dahil sa bigla kong pagkawala. At pati na rin ang announcement ni Daddy na ikinainit na naman ng ulo ko.

I bet they're happy because of that. Alam ko namang ayaw na ayaw nila sa akin. Sadyang hindi lang makapagsalita dahil isa akong Moran.

I thought Daddy or Mommy will look for me but I was wrong. Ni walang tawag or text! Ni hindi sila nag-aalala!

"Payat ka talaga no'ng unang punta mo rito, Hija, pero mukhang mas nangayayat ka?" Tanong sa akin ni Aling Lisa nang makita akong lumabas ng bahay.

"I workout po," sagot ko.

O baka dahil puro unhealthy foods ang kinakain ko. I don't know how to cook. Tamad pa akong mag-aral, but I tried cooking adobo before, tinigilan ko rin kasi ang pangit ng lasa. Kaya ngayon, nagtitiis ako sa canned goods.

"Nagtitinda ng lutong-ulam si Sally. Kung gusto mo ay bumili ka na lang doon at mukhang hindi ka marunong magluto," sabi nito.

Ngumuso ako sa sinabi niya pero tumango rin. Naging daily routine ko na yata ang bumisita sa asul na dagat ng Pontevedra. May mga mangingisda pa nga akong nakilala roon. I even bought a pearl to a fisherman before. Maganda kasi at puting-puti ang kulay kaya binili ko na.

"Manong, kaninong mansyon iyon?"

Tinuro ko ang malaking mansyon na nasa dulong bahagi ng dalampasigan. Kahit nasa kabilang parte ito, kita kung gaano kalaki at kaganda ito.

Sana nagkaroon din kami ng ganitong property. Sana bumili rin sina Daddy ng property malapit sa dagat para naman makapagrelax ako kapag naiirita ako sa kanila.

"Sa mga De Dios iyan, Neng. Isa sila sa mayamang pamilya rito..." Sagot niya. "Ang malawak na taniman na nadadaanan mo papunta rito ay pagmamay-ari nila."

Tumango-tango ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko narinig ko na sa kung saan ang pangalang iyon pero hindi ko matandaan kung saan.

That day, I went fishing with Manong. Mabilis nga nila akong nakilala dahil talagang araw-araw ako rito sa dagat.

"Pansin kong kutis-mayaman ka, Hija. Saan ka ba galing?"

"I am from Davao po," sagot ko.

"Aba'y ang layo naman ng narating mo kung gano'n."

Pinanood ko siyang ayusin ang malaking lambat. Inayos niya rin ang makina ng sinasakyan naming bangka para tumigil ito.

"Well, opo. Gusto ko kasi mabuhay mag-isa kaya napadpad ako rito," sagot ko.

Talaga ba, Reisha?

"Maganda rito sa Pontevedra, Hija. Tama ka ng napuntahan."

"Oo nga po e." Sagot ko.

I don't remember being close to people like him. I don't even remember talking or showing respect to others. Pero pakiramdam ko maling-mali na pakitunguhan ko ng masama ang kahit na sino rito dahil lahat sila ay mabuti sa akin. That's the least I can do—respect them.

"Hi, I am Ellyse. You are?"

Pinagtaasan ko ng kilay ang babaeng tumayo sa tapat ng aking upuan.

"Not interested," I murmured.

Why Do You Love Me (Pontevedra Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon