Mad.
"Ang OA mo," natatawang sabi ko nang yakapin niya ako.
"I love you so much," bulong niya sa akin. "Once you're ready, we'll get married," sabi niya nang kumalas sa pagkakayakap sa akin.
"Carlo, it's early for that. Maraming nagbago sa atin sa nagdaang taon," I answered.
Baka rin magbago pa isip niya. Baka kapag nakasal kami, isipin niyang hindi niya pala talaga ako mahal o magsawa siya. Maybe I'll give him time to think about us.
"Maraming nagbago sa nagdaang taon pero iyong nararamdaman ko sa'yo, hindi..." Sigurado niyang sagot. "Sigurado na ako, Rei. I'll talk to your family. We'll get married."
"Carlo, hindi pa tayo, okay?" Sagot ko. "Sinabi ko lang na hindi ko gusto si Vincent."
"You indirectly confessed, though. Alam ko naman talagang mahal mo ako noon pa man, Rei, pero 'yong marinig ko ito galing sa'yo..." Malakas siyang humalakhak bago ako muling yakapin.
"Bumangon na tayo. Aalis pa tayo mamaya," sabi ko na lang para maiba ang topic namin.
Inunahan ko na siyang tumayo. Inayos ko pa ang damit ko at tinali ang mahaba kong buhok bago siya balingan. Nakasalumbaba pa siya sa kama at nakatitig sa akin kaya napanguso ako para pigilan ang pagngiti.
"Kumain na tayo, Carlo. Ang anak ko baka hindi pa nakain," sabi ko.
"Anak natin," he corrected.
Umirap na lang ako. Lumabas na ako ng kwarto at iniwan siya dahil mukhang wala pa siyang balak na bumangon.
"Mama, Dada?" Bungad sa akin ni Rouge nang makita akong pababa ng hagdan. "He said that we'll go to his o-office."
Sumimangot ako at lumuhod sa harap niya. Hawak niya ang bago niyang transformer toy na binili nila ni Carlo no'ng nasa clinic ako.
"Puro si Daddy ang hinahanap mo. Nagtatampo na ako, ha?" Nakangusong sabi ko.
Nanlaki ang mga mata niya. Mabilis niyang inilapag sa sofang inuupuan ang kaniyang laruan bago humarap sa akin saka hinawakan ang aking mukha.
"Sorry, Mama. I love you," he said before kissing my both cheeks. "Mama, cut."
"Hey, what's with the kiss? Bakit wala ako?" Singit ni Carlo na mukhang nagmamadali pang bumaba ng hagdan.
"Dada, Mama jealous," sumbong niya.
Umismid ako saka binuhat si Rouge para dalhin sa dining. Sinubukan pang kuhanin sa akin ni Carlo pero iniwas ko sa kaniya ang bata.
"What? Why?" Natatawa niyang tanong.
"Because I only l-look for you," my son answered.
Trina immediately fixed the table when she saw us entering the dining. Hinatak niya pa ang upuan na para kay Rouge. I smiled at her bago ko inilapag doon ang anak ko.
"I told you, your mother gets jealous easily," asar naman ni Carlo sa akin.
"Kapag hindi kayo tumigil, hindi tayo sasama sa company, Rouge," pananakot ko sa anak ko.
Nagkatinginan ang dalawang lalaki. Sabay pa nilang itinikom ang mga bibig nila bago sila tumingin sa lamesa. Umirap ako. Si Trina na ang nagpapakain kay Rouge kaya mas focus kami sa pagkain namin ni Carlo.
Nag-asikaso kaming lahat matapos kumain. Naka-puting suit ako at puting tube top sa loob. Pinanood pa ako ni Carlo na ayusin ang sarili ko sa harap ng salamin. Ang alam ko may meeting siya ngayon kaya formal din ang suot niya.
"Hindi ka pwedeng tumakbo kung saan-saan, Rouge, okay? Maraming gagawin ang D-Daddy..." Nilingon ko si Carlo nang sabihin iyon.
Nakangiti siya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
Why Do You Love Me (Pontevedra Series #2)
RomanceFate. What is fate? According to my research, it is to be destined to happen, turn out, or act in a particular way. Iyon na ang dapat na mangyari e-nangyari na e. May magagawa pa ba? It is what it is kaya tatanggapin na lang? Para bang kahit anong...