It went on for couple more days na hindi ko siya nakikita at nakakausap.
Para akong mababaliw!
Nakakawala sa katinoan iyong pagkamiss ko sa kanya.
Nong nakaraan ay ilang beses din akong inaya ng mga kaibigan niya na sumama sa mga outings nila pero nag excuse na lang ako at natutong makuntento sa mga pictures na pino-post at sinesend nila sakin. Nagpupuyos iyong damdamin ko sa tuwing nakikita ko iyong Kenneth na yun na umaaligid sa kanya. Minsan nga ay di ko napigilan sarili ko at naiiyak na lang.
Thursday ngayon at biglang nag-aya ang anak ng dati kong boss na mag basketball kaya naman game ako agad.
Maggagabi na nong naihatid ako ng driver nya sa coffee shop dahil may mga kinuha lang akong papeles bago naglakad pauwi. Naka short lang ako at varsity jacket habang akay iyong gym bag ko. May mga pinirmahan ako sa loob ng opisina bago lumabas dala yung ilang envelop na kailangan ko i review. Pero sa di ko inaasahan ay nagkrus ang landas namin ni Lyka na may galak na bumati sakin. Siya lang mag-isa kaya napabuga ako ng hangin.
Sa dami ng chinika nya sakin ay humantong kami sa pag aaya nya ng inuman. Wala naman ako masyadong gagawin tsaka yung ibang papeles na dala ko ay sa monday pa naman kailangan. Kaya inaya ko na lang siya na sa unit ko na kami mag inuman at game naman ang huli.
Pagkakita nya sa tinitirhan ko ay halos bumagsak iyong baba nya. Siguro dahil sa lapit lang nito mula sa company nila. Oo nga pala, sya pa nga pala ang nakakapunta dito sa bahay ko.
Hindi ko inaasahang sa simpleng jam lang namin ay bigla na lang magwawala itong babaeng 'to pag nalasing. Mojitos lang naman ininum namin pero talagang tinamaan kami ng lintik!
Susuray-suray itong nagdadabog dahil umano sa boyfriend nya. Ni hindi ko kilala yung tao pero ako talaga napagdiskitahan nya kaya halos mabogbog nya ako! Ng ako naman itong tinamaan ay nagpakawala na ako sa hinanakit ko tungkol sa kaibigan nya. Para lang kaming tangang dalawa hanggang sa nakatulogan na namin iyong aming kadramahan.
Kinabukasan parang binibiyak yung ulo ko ng makarinig ako ng maingay sa aking ulohan.
"Aray!" Sabay hampas sa brasong tumama sakin.
Pilit kong dumilat only to see Lyka na sabog na nakaupo saking tabi. Andito kami sa carpet nakatulog kaya naman parang dinaganan iyong katawan ko. Cellphone pala nya yung tumutunog. Putspa!
Alas sais pa lang at bigla na lang napamura itong kasama ko.
Nagmamadali siyang naghanda para pumasok kaya wala na akong nagawa kundi mag asikaso ng makakain namin. Ilang minuto pa ay humingi siya ng damit na pwedeng mahiram kaya naman hinayaan ko siyang kumoha sa closet ko. Sabay na kaming kumain. Tahimik kami pareho dahil talagang masasakit pa ulo namin. Pagkatapos ay nagprisenta syang maghugas kaya naghanda na lang din ako at ng matapos ay sabay na kami naglakad.
Para kaming mga tangang dalawa habang inaalala yung mga nangyari kagabi. Panay tawa namin pero maya-maya namang napapatigil dahil sa sakit ng ulo.
"Lyka?"
"Oy, Mildred! Ang aga mo ata!"
"Hm. Di ka umuwi kagabi," tsaka nya lang ata ako napansin.
"Good morning, Em." Mahinang bati ko sa kanya. Pero tango lang naging tugon nito, parang ayaw pa nga ata nyang e acknowledge iyong presence ko eh!
"Sorry... Nakalimotan kita i text kagabi." Paumanhin ni Lyka.
"Okay lang."
Nauna nang magpaalam si Lyka kaya i took the opportunity habang andito pa.

BINABASA MO ANG
A Chance At Love ⚥
RandomIt was a high school love. But i was too naive and scared to tell you how much i feel for you. Pero grabe ka pushy ng tadhana. I met you once again and just then i actually had the courage.