Ang lakas ng tugtugin pero kahit ganun, rinig na rinig ko parin iyong pagtibok ng puso ko. Sa sobrang lakas parang mababali na itong rib cage ko. Masakit na.
Kanina ko pa kagat ang labi habang nakayukong nakatitig sa basong hawak. Maingay naman iyong mga kasama namin pero tila ang klaro lang sa pandinig ko ay iyong boses ni Mildred at ang lalaking katabi nya ngayon.
Gusto kong ibato itong hawak ko sa pagmumukha nya pero pinipigilan ko lang ang aking sarili. Kasi ayoko nang mapahiya pa lalo.
Iyong naturang girlfriend ko nakikipagmabutihan sa ibang lalaki... sa harapan ko pa mismo.
Andaming tumatakbo sa isip ko. Pilit kong pinupush ang sarili kong kumilos pero may kung anong pumipigil sakin.
I don't know what's wrong with her. Di ko matantya kung ano iyong plano nya at nagagawa nya sakin ito. But I'll give it to her. Kung gusto nya akong saktan then she's doing just the right thing.
"Jan, gusto mo labas muna tayo?" Naramdaman kong napapat si kuya Charlie sa likod ko.
Ininom ko muna iyong shot ko bago sumunod sa kanya.
"Okay ka lang ba?" Nakita ko itong nag abot ng cig kaya tinanggap ko iyon at sinendihan.
Gusto kong sabihing oo.
Pero mapait na lang akong ngumiti.
"Hindi ko alam kung anong pinagdadaanan nyo ngayong dalawa pero hindi ko nagugustohan iyong nakikita ko, sa totoo lang." Narinig ko itong napabuntong hininga kaya nakagat ko iyong ibabang labi ko. "Sa haba ng panahong nakasama ko kayo ay parang kapatid na rin turin ko sa inyo kaya naman hindi nyo maiaalis sakin at sa mga kaibigan natin na mag-alala. Kaya kung ano man iyang problema nyo ay sana mapag-usapan nyo ng mabuti."
"Kuya, sa tingin mo napakawalqng kwenta ko bang kasintahan dahil wala man lang akong ginawa?" Nangingilid ang luha ko.
Ang sakit ng ulo ko lalo na't tumatak saking isipan iyong larawan ng dalawa.
"Alam mo Jan, wala naman akong karapatang husgahan ka eh. Tsaka sa totoo lang ay naiintindihan kita. Kaya nga medyo disappointed ako kay bunso." Napabaling ako dito. "Hindi sa kinakampihan kita, binabase ko lang ito sa nakikita kong mali."
I was too glad na marinig na kahit papano ay may nakakaintindi sakin.
Kanina pa kasi ako sinisiko ng mga girls at sinisita kung bakit daw wala akong ginagawa.
Tsk!
Naiintindihan ko naman pinanggagalingan nila eh, and I'm very much grateful.
But, i just don't see any reason for me to meddle with what she wanted to do with her life. Wala namang nagpumilit sa kanya para gawin ang bagay na iyon eh. Kagustohan niya iyon kaya sino ako para makialam?
Oo kasintahan nya ako, pero hindi ibig sabihin non kontrolado ko na ang buhay nya. May karapatan syang magdecide para sa sarili nya.
Ilang minuto pa kaming nanatili sa labas hanggang sa nagyaya na si kuya pumasok.
Di rin naman ako nagtagal sa loob dahil hindi ako ganun ka galing magpaka martyr para manatili pa dun at panoorin ang kasweetan nila.
"Te, mauna na ako ah. Maaga pa alis ko bukas."
"Huh? Teka, Jan talaga bang aalis ka–"
Hindi nito natapos ang sasabihin ng hawakan sya ni kuya sa braso.
Napalingon naman sila sa kinaroroonan ni Mildred kaya pilit akong ngumiti sa kanila.
"Wag ka mag-alala Jan, kami na maghahatid sa kanya." Medyo gumaan iyong loob ko sa sinabi ni kuya.
BINABASA MO ANG
A Chance At Love ⚥
RandomIt was a high school love. But i was too naive and scared to tell you how much i feel for you. Pero grabe ka pushy ng tadhana. I met you once again and just then i actually had the courage.