I was driving my way to Mildred's apartment ng makatanggap ako ng tawag.
Napapangiti pa ako kasi pangalan nya iyong tumatak.
"Yes, babe?"
"I miss you." Hm? Himala! Ba't ang sweet nya? "Asan ka na ngayon?"
"Namiss din po kita. Actually, papunta ako dyan sa inyo." Few blocks away na lang ako sa kanila.
"Hah? Teka, ba't di ka nagsabi na pupunta ka?"
"Surprise?" Tatawa-tawa akong naghanap ng parking spot bago pinatay iyong makina.
"Baliw ka talaga!" Sabay patay nya ng tawag.
'Yare dun?
Nagtataka man ay binitbit ko na lang iyong dala ko at naglakad patungo sa unit nila. Si ate Megan ang nagbukas ng pinto sakin.
"Oy, Janelle." Nangingiting bati niya sakin.
"Hello te, manggugulo na naman po ako." Tatawa-tawa itong napahampas sa balikat ko bago kami tumungo sa kusina.
"Sira ka talaga. Buti at nakadalaw ka, kahapon pang nagmumukmok iyong isa sa kwarto nya." Naiiling ito bago ako inalok ng maiinom.
"Ay, may dala nga pala ako te. Pasalubong mula pang Norte."
"Naku, nag-abala ka pa." Natutuwa itong napasilip ng buksan ko iyong dala ko. "Nga pala, kamusta naman ang byahe? Nabanggit ni bunso na bumisita ka sa kapatid mo."
"Okay naman te, kaso ang traffic na pag-uwi ko kanina."
"Hah? Kakabalik mo lang pala?"
"Opo."
Nag-usap pa kami ilang sandali bago ako pinapuntang kwarto ni Mildred para makapagpahinga umano.
Pagkapasok ko ay nadatnan ko pang nag-aayos ng buhok si Mildred kaya nagtataka akong sinarado ang pinto sa likod ko.
"What were you doing?"
Napalinga-linga ako at napansin ko iyong ibang gamit nya na mukhang kakatambak lang. Kasi nag sway pa ito habang nakasabit tas pansin ko rin ang pawis sa noo tsaka ilong nya. Di kalakihan ang kwarto nya pero di naman mainit dahil pumapasok iyong lamig ng aircon mula sa sala dito sa loob.
"Nothing." Napaiwas ito ng tingin sabay sipat ng tingin sa kwarto nya. "Kakalabas ko lang ng cr." Tumaas iyong kilay ko.
O- kay...
"Kakarating mo lang ba?" Sya na iyong naunang lumapit at yumakap sakin.
"Yeah. I'm so tired." Napasubsob na lang ako sa leeg nya.
Ang layo kasi talaga ng binyahe ko. It took me almost four hours pabalik dito dahil na rin sa traffic. Maaga naman ako bumyahe kaso nagkaron kasi ng aberya sa daan kanina kaya ako natagalan.
Naramdaman ko iyong kamay nya sa buhok ko na aking ikinatuwa. I missed her so much!
Isang linggo kasi akong bumisita sa sister ko na nagtatrabaho sa Norte. Nandun kasi siya naassign kaya madalang lang itong nakakauwi samin. Kasama ko family ko na bumisita sa kanya dun para makapagbonding at bakasyon na rin kaya inabot ng isang linggo. Gusto ko sanang isama itong isa kaso hindi naman siya makapag leave ng ganun ka tagal kaya talagang nangulila ako sa kanya.
Nakahiga na ako sa lap nya habang nakasandal ito sa headboard. Ninanamnam ko lang iyong paghahaplos nya sa buhok ko tas maya-maya naman ay hahaplosin nya iyong mukha ko.
"What have you been up to nong wala ako?" Nakapikit kong tanong sa kanya.
"Wala naman masyado. Work tas minsan lumalabas kami ng girls pagkatapos."
BINABASA MO ANG
A Chance At Love ⚥
RandomIt was a high school love. But i was too naive and scared to tell you how much i feel for you. Pero grabe ka pushy ng tadhana. I met you once again and just then i actually had the courage.