"Babe?"
Di na naman ito sumagot kaya niyakap ko ito mula sa likod.
Nakaupo lang kami dito sa buhangin habang pinapanuod iyong iba na nagbababad.
"Asa public tayo."
Natigilan ako sa paghalik sa kanyang balikat at napabuntong hininga na lang.
Tahimik na lang ako the whole time sa isang tabi habang pinagmamasdan siyang nakikimingle sa mga kaibigan nya. Kasama ko naman sila Ella tas yung ibang boys. Kain tas inom lang ginawa namin habang nakikinig sa kanila mag-usap ng kung anu-ano.
Mag dapit-hapon na nong mapansin kong papalapit si Mildred sakin. Ang pula ng pisngi niya at ang pungay na rin ng kanyang mata kaya napabuntong hininga na naman ako.
Tumayo ako para salubongin sya dahil medyo sumusuray-suray na ito.
"Okay ka lang ba?" Agad na pinulupot nito ang braso sa leeg ko sabay ngiti.
"Uwi na tayo?" Medyo hinigpitan ko iyong yakap ko sa kanya dahil ang likot na nya.
Lagot ako!
"I'm fine... medyo naparami lang." Nakatitig lang sya sakin kaya napabuntong hininga ako. Ulit!
"Inis ka parin ba sakin?"
Umiling ito sabay pisil saking pisngi.
"Then, bakit naglasing ka?"
"Baby, hindi talaga ako lasing."
Linya ng mga lasing...
"Babe, ang pula na ng pisngi mo, oh!" Marahan ko lang hinaplos ng thumb ko itong pisngi nya.
Alam naman nyang may work pa sya bukas, and i need to drive us back sa city ng maaga. Isipin ko pa lang iyong maaaring kahihinatnan namin nito mamaya ay tila napagod na ako agad!
Napaka insatiable pa naman nya pag lasing.
"Patay ako kay tatay pag uwi natin."
Napailing ito bago yumakap sakin ng mahigpit while nasa leeg ko iyong labi nya, nagsisimula nang maglikot.
"Bukas na tayo umuwi, please?" Halatang naglalambing iyong boses nya kaya halos di na maipinta itong mukha ko.
Napansin ko naman iyong mga kasama namin na nag-iilingan habang mapanudyo iyong ngiti samin.
"Ibang klase!" Naramdaman kong napalingon si Mildred nong magsalita si Jay. "I still can't get over by the fact na kasal na talaga kayong dalawa." Tatawa-tawa itong uminom sa baso nya habang napapasang-ayon iyong iba.
"Exactly! Biroin nyo, panay papansin lang itong kaibigan natin kay miss sungit noon! Pero tignan nyo naman..." Walangya! Bakit ba ang hilig mamahiya ng mga kaibigan ko? Ang sarap sipain nong ngitian ni Ella!
"Ehem! Baka akala nyo manok nyo lang iyong dinadaga dyan... ehem- ehem! Kung di ako nagkakamali eh, palaging frustrated iyong kakilala ko dahil palagi umano siyang nilalandi ng crush nya kaso hindi sineseryoso." Biglang bumunghalit ng tawa si Wena pati ibang girls na alam ko ay circle of friends noon ni Mildred.
Ano daw???
"Tse! Manahimik ka dyan Wena ah, issue ka masyado!" Tumaas ang kilay ko sa pagtataray ni Mildred.
Napansin ata niya iyong titig ko, pero di ko inaasahan iyong pag kurot nya sakin mula sa likod.
"Babe! Ba't ka nangungurot?" Di ko tuloy mapigilan ang tawa ko.
"Lowkey guilty yung ferson!!" Kantsaw na nila kaya lalong nanggigil itong isa.
Parang tinitigan ko lang naman sya, ba't ako itong pinagbubuntonan niya? Hahaha!
BINABASA MO ANG
A Chance At Love ⚥
RandomIt was a high school love. But i was too naive and scared to tell you how much i feel for you. Pero grabe ka pushy ng tadhana. I met you once again and just then i actually had the courage.