Buong bakasyon namin ay papaling-paling kami sa family nya tas sa family ko then on our last day ay hinatid ko siya sa kanila ang hinayaan syang solohin muna ang family nya at ako naman ay nanatili samin. Kaya ng sundoin ko sya ay niyapos nya ako agad ng yakap. Ganun nya ako ka miss.
Andito ako sa labas ng workplace niya. Inaantay ko sila para makapaglunch. Ng makita ko sila na nagtatawanan ay nakangiti akong naglakad para salubongin sila.
Pero napatigil ako ng makitang may ibang kasama sila. Kausap nito si Mildred at mukhang seryoso ang pinag uusapan nila kaya di ko sure kung napansin ba nyang andito ako. Hindi na lang ako umiksina dun at nakisama sa mga kaibigan nya. Kaso, medyo nadismaya ako kasi kahit hanggang sa pagtapos namin mag lunch ay ito parin ang kasama at kausap nya. Kaya sawi akong umuwi.
Napag alaman kong may malaking client sila ngayon and this could be her chance of getting promoted. Kaya naman di ko na muna sya kinulit pa. Gusto kong mag focus muna sya kaya naman ginugol ko na lang muna ang time ko para sa opening ng bagong branch.
Andito ako sa shop at umupo sa pwesto ko with my laptop. Pagtingin ko sa counter para sana makaorder ay napansin ko iyong pinsan ni Mildred. Mukhang nakapasa sya sa interview, katabi nito si Mark na mukhang nagtitrain sa kanya. Nice! Excited na tuloy ako.
"Boss, pwede ka ba namin mahiram muna?" Si Geoff, ito iyong kapatid ni Adrian na ipinagkatiwala ng parents nya sakin to teach how to manage things in a business.
"Hm? Bakit, ano problema?" Naisara ko iyong laptop ko bago napatayo.
"Wala namang problema, may gusto lang sana kaming i konsulta sayo regarding sa bagong drinks." Medyo nagulat naman ako dun.
Nakakatuwa kasi, most of my staffs are working students kaya nakakagulat minsan kung gaano ka active sila sa pag imbento ng mga drinks. Pano kasi, puro addict sa kape ang kalahatan sa kanila.
"Nareview mo ba naman muna each drinks? Yung ingredients at costing, reasonable ba naman?"
"Yes boss, ito iyong listahan at costing ng bawat inumin." Sabay bigay sakin ng dala nya.
Napataas ang kilay ko.
Pagdating namin sa counter ay bumati iyong ibang staff na nandun kaya mah ngiti akong umupo sa counter. Ilang sandali pa ay naglapag ng mug sa harap ko si Mark. Nagbigay ito ng konting intro sa unang drink kaya tatango-tango akong tinaas ito at inamoy. Ang lakas ng aroma nya kaya interesado akong napatikim. Mga tatlong drinks din iyong hinanda nila sakin tas dalawang dessert.
"I know we're here to serve what our costumers need but don't ever forget we're also doing business here." Natatawa akong napabaling sa isang staff ko na nagprisenta ng isa sa mga drinks na tinikman ko. "Kaya i need you to be more creative and resourceful. Be reasonable as well dahil di naman natin pwede taasan masyado ang pricing para sa kape natin."
"But you guys keep up the good work!" Inabot ko iyong folder kay Geoff at humarap ulit sa kanila. "At dahil dyan ay sagot ko na ang pagkain tsaka drinks nyo."
Sometimes, para mas magging hard working and honest ang mga empleyado mo kelangan mo lang e appreciate yung mga effort na binubuhos nila and a little reward would be much appreciated.
"By the way, Kenji." Agad itong sumeryoso. "Gusto kong makita ang drink na gawa mo sa board kaya do everything you can. Alam nyong magbubukas tayo ng bagong branch kaya I'm very much open for any idea you guys could come up." Buti naman at masaya na itong nagtatango. Yung drink lang kasi nya ang di ko pinayagang pumasok sa menu namin.
BINABASA MO ANG
A Chance At Love ⚥
RandomIt was a high school love. But i was too naive and scared to tell you how much i feel for you. Pero grabe ka pushy ng tadhana. I met you once again and just then i actually had the courage.