Janelle
"Em, does this mean you're accepting my pro-"
Di pa man din ako tapos eh tinampal na ng hintuturo nya itong labi ko.
"It means di pa ako tanga para magpabola."
Langya! Napasimangot ako agad lalo na nong tawang-tawa pa sya!
"Grabe ka naman sakin. Kelan ba kita binola, hah?"
"Aba malay ko! Baka nga lahat ng sinabi mo sakin noon ay di hamak na pambobola lang pala!"
Letche! Eto na naman tayo!
Paulit-ulit ko na lang ba dedepensahan iyong sarili ko?
"Alam mo Em? Kung hindi ka maniniwala sakin mas mabuti pang di na lang kita kausapin. Ano pang silbi? Sisingilin ko na lang iyong mga panahong kinilig ka sa mga pinagsasasabi ko."
"Kapal!"
Gusto ko umiyak!
Natutuwa ako. Kasi akala ko talaga pahihirapan nya lang ako bago i etsapwera.
I admit, nong una ay alam ko na agad na pahihirapan nya muna ako dahil sa naging sagot nya when i asked her for a second chance. Kilala ko sya, nagtatanim ito ng sama ng loob kahit na ba may mali din sya. Hindi kasi sya nakakalimot pag yung tao may kasalanan sa kanya –pero di naman nya inaalala yung kasalanan nya. Hmp! Actually, parang sakin lang ata sya ganun!
Sya iyong tipong hindi-nagkakamaling-partner.
Pansin ko lang naman.
...
Kanina pa sya salita ng salita pero nakatitig lang ako sa mukha nya at nag iimagine din ng konti.
Namiss ko kasi talaga ang babaeng 'to! Nahihibang ako pag sinusubokan ko syang iwaglit sa isipan ko lalo na nong hindi pa kami okay.
Andito na naman ako sa apartment nya dahil di naman ito bumibisita sa unit ko eh. Kahit na ba nagkausap na kami't lahat ay feel ko parin na medyo ilang pa sya sakin. Tsaka literal ko rin talagang napifeel lalo na pag bigla-bigla na lang syang nangungurot at nagsusungit sakin kahit na ang ganda na ng mood namin.
Magugulat na lang ako pag sinasabihan nya ako na gusto nya muna mapag-isa tas magmumukmok sa kwarto. Minsan nga sinundan ko sya bigla na lang nya ako inaway.
Hindi rin talaga sya magulo kausaup! May time nga na nagdadabog na lang akong nagpapaalam sa kanya na aalis na lang.
Pero ang siste! Kung di ba naman sya may saltik!
Tatawagan o di kaya ay etitext niya ako na wag na daw ako magpapakita pa sa kanya! Anong klase!
Hindi ko namalayan na napangiwi na pala ako. Napansin ko lang na nagtaas ito ng kilay.
"Are you even listening?"
"Sorry, may naalala lang ako." Tsaka ako nagbaba ng tingin dito sa mga papeles na kanina pa nya in-explain.
"I'm done."
"Huh?" Letche!
Eto na naman!
"Bahala ka na dyan. Pagod na ako, gusto ko na matulog." Tumayo na ito at nagtungo sa extended kitchen nya.
"Babe," masuyo kong hinaplos iyong balikat nya. "Sorry, i was zoning out."
Hay naku...
"Uwi ka na."
Nakagat ko iyong labi ko.
Pagbaba nya ng baso ay niyakap ko ito na ikinaangal naman niya.
Ano ba talaga problema? Di ko sya maintindihan.
BINABASA MO ANG
A Chance At Love ⚥
RandomIt was a high school love. But i was too naive and scared to tell you how much i feel for you. Pero grabe ka pushy ng tadhana. I met you once again and just then i actually had the courage.