Kinakalikot ko lang iyong cellphone ko habang nakatambay dito sa labas ng pinagtatrabahoan ni Mildred.
"Janelle!" Nakangiting bungad sakin nina Lyka.
Natutuwa akong kumaway sa kanila. Pero napansin ko poker face lang iyong isa.
Buti pa itong mga kaibigan nya, palaging masaya ang bungad sakin pag nakikita ako. Bilang lang ata sa isang kamay iyong times na nakangiti itong bumungad sakin pag sinudundo ko sya!
"Hi Em." Tsaka lang siya ngumiti pero ang tipid masyado!
Nangangamba ba syang maubosan?
Nauna nang sumakay yung iba nyang kasama habang kaming tatlo ni Mildred at Lyka iyong huling nakasakay. Magkaiba kasi ruta nila. Buti na lang ay di pa puno iyong nasakyan namin kaya katabi ko ito sa byahe. Kaso nong asa kalagitnaan na ay unti unti nang napuno iyong jeep kaya sideways na naman ako.
Grabe ang sikip talaga!
"Okay ka lang?"
"Huh? Ah- oo, okay lang." Medyo nakakabigla ang tanong ni Mildred.
Tango lang tuloy naging tugon dito.
Ipinuwesto ko na lang iyong kamay ko sa likod niya dahil naiinitan na din ako at talaga namang namamawis iyong aking kili-kili. Napalingon ito ulit sakin pero di naman na ito nagsalita pa.
"Waahh, grabe!"
"Relate!" Tatawa-tawang bulalas ni Lyka.
Naiiling tuloy itong isa samin.
Habang naglalakad ay tahimik lang ako nakikinig sa pinag-uusapan nila. Wala din naman ako maintindihan dahil puro numero iyong topic nila tas kung anu-ano pa na related sa trabaho.
"Em?"
Nagtatatakbo na yung isa matapos magpaalam na mauna na dahil naiihi na umano ito.
"Oh?"
"Pwede ba tumambay muna sa inyo?" Fingers crossed.
"Ha?" Halatang gulat iyong reaksyon nya.
"Kung okay lang naman." Kamot ko pa iyong kilay ko.
"Sigurado ka bang dun ka tatambay?"
"Oo. Bakit?"
"Eh ang liit lang nong kwarto namin, baka masikipan ka."
"Oy! Di naman!" Grabe sya ah. "Tsaka tatambay lang ako."
"Tsk!" Ano yun? "Sige na nga. Basta wag ka malikot ah, nakakahiya kay Lyka."
Ano daw???
Ano naman akala nya sakin, paslit?
Pero di na lang ako nagkomento pa.
Pagkapasok namin sa room nila ay napansin kong wala si Lyka pero andun iyong bag nya na dala kanina.
"Maupo ka muna." Paanyaya nito na agad tumalima sa electric fan.
Nakangiti lang ako habang pinapanood siyang nahiga sa kama nya matapos hubarin ang kanyang sapatos.
Tahimik lang akong nakaupo dito sa may study table nila ng mapansin ko iyong leggings nya.
"Em?"
"Hm?" Nakapikit na pala sya.
"Gusto mo tanggalin ko na socks mo?" Walang malisyang tanong ko.
Napamulat ito agad at tila ansama ng tingin sakin.
"Sira ulo ka ba?"
"Huh?" Teka, masama na bang mag offer ng tulong?
BINABASA MO ANG
A Chance At Love ⚥
RandomIt was a high school love. But i was too naive and scared to tell you how much i feel for you. Pero grabe ka pushy ng tadhana. I met you once again and just then i actually had the courage.