"Tulala ka na naman." Sabay baba ni Geoff ng mug sa harap ko bago naupo sa tapat.
Pano ba naman kasi, hindi ako komportable sa isipin na asa malayo iyong babe ko sakin.
Di ako sanay.
After dropping her off sa airport kahapon ay halos di ako mapalagay. Sa ilang oras na flight nya ay panay check ko kung may message ba ito. Ewan ko ba, kahit na binigyan naman na ako ng assurance ng asawa ko ay may pag-aalala parin talaga sa loob ko.
Ang layo kasi eh! Di ko alam kung anong atake gagawin ng iba sa kanya.
May tiwala naman ako sa kanya pero, iba na kasi takbo ng panahon ngayon. Kahit pa ilang singsing e suot mo sa partner mo ay di parin iyon sapat para lumayo iyong ibang tao sa kanya. Lalo na pag nakursonadahan na.
Kaya naman kagabi pa akong naghihintay ng text or call ng misis ko.
"Bakit ba." Di naman siguro bawal mag-alala ano?
Narinig ko itong tumawa kaya marahan kong tiapon iyong nilamukos kong tissue sa kanya.
"Labas na lang tayo para di ka mabaliw kakaisip sa asawa mo. Nong isang araw pa daw nagyayaya si kuya pero busy ka."
"Pass muna ako." At napacheck na naman ako saking phone.
Tulog pa kaya yun?
Parang imposible naman. Mag aalas nuebe na dun di pa sya gising?
"Boss, ang kj mo! Wala pa naman si Mildred eh, ano gagawin mo sa inyo?"
"Tigil-tigilan mo nga ako Geoff, di nga ako pwede. Nangako ako kay Mildred na bahay tsaka shop lang ruta ko habang wala pa sya."
"Ang tindi! Mag momokmok ka ng isang linggo sa inyo?"
Bahala syang tumawa basta ako, behave lang ako just as i promised. Bahala nang maburyo ako sa bahay mag-isa kesa awayin ako nong isa pag-uwi noh!
"Sabihin mo na gusto mo sabihin, basta uuwi ako matapos ang shift ko."
Hindi makapaniwala iyong reaksyon nya bago napatawa ulit.
Hanggang sa andito na ako sa counter ay panay parin pangungumbinsi nito sakin. Ang sarap na nga nyang sikohin eh!
Tigas ng bunbonan ng taong 'to!
I was patiently making an order ng bigla naman tumunog itong phone ko kaya mabilis pa sa alas kwatro ko itong sinagot. Kahit na ba busyng-busy ako sa pag gawa ng drink.
"Hello?"
"Baby?"
Awtomatik na lumapad iyong ngiti ko at napuno ng excitement ng marinig iyong lambing sa boses ng asa kabilang linya.
"Yes, babe. Kamusta ka dyan?" Para naman akong nabuhayan at pinagpatuloy iyong ginagawa ko.
"Okay lang po. Ikaw, kamusta ka dyan? Are you busy?"
"I'm good, babe." Actually, medyo busy ngayon pero di ko na lang iyon sinagot.
Sumenyas ako saglit sa staff ko para pumalit sakin. Di naman na kasi ganun kahaba iyong linya.
"Uh, babe saglit lang ah."
Madali kong hinanda iyong coffee ng isang costumer bago ipinaubaya kay Jack ang pwesto ko.
"Baby? I can call you another time, asikasohin mo na muna yan."
Nangunot agad noo ko sa sinabi nya.
Ng makapasok ako sa opisina ay agad ko siya vinideo call.
"Babe, kanina ko pa inaantay text at tawag mo- and now you want me to wait for another time para kausapin ka?" Hindi na nga nya ako kinontak kanina umaga and now sasabihan nya ako ng ganun?
BINABASA MO ANG
A Chance At Love ⚥
RandomIt was a high school love. But i was too naive and scared to tell you how much i feel for you. Pero grabe ka pushy ng tadhana. I met you once again and just then i actually had the courage.