Umaga na ng namataan kong malayo na sya sakin natulog, nakatalikod pa kaya tahimik na lang akong tumayo at nagpuntang kusina.
Wala kaming pasok ngayon kaya nagluto na lang ako ng breakfast namin. Mukhang wala kasi syang balak tumayo.
Ang sensitive nya... pramis!
Hilig rin nyang makipagdebate sakin, eh palabas lang naman pinag-uusapan namin. Minsan talaga ang bilis ma tick nong pride nya lalo na pag nagsasabi kami ng opinion tungkol sa kung sinong character.
Actually, never ko pa ginawa iyong ganito with any of my past relationships but somehow, this became one of our bonding na rin.
Si Mildred kasi iyong tipo na masyadong active ang utak kaya alam ko kung gano iyong galak nya pag asa after movie discussion na kami. Hinahayaan ko lang itong mag rant tungkol sa antagonist kaso, minsan nakakalimutan ko rin talaga na pomreno.
Nakakadala kasi masyado iyong mga discussions namin until di ko na napapansin na I'm trying to validate na pala the feelings of the antagonist. Eh yung lola nyo sobrang defensive!
At eto nga, di na naman nya ako bati!
Kdrama pa!
Papunta kami ngayon ng hospital para dalawin iyong pinsan nya na kakapanganak lang.
Tahimik lang ako sa isang tabi habang pinagmamasdan si Mildred na karga-karga iyong baby.
Hindi ko maipaliwanag iyong nararamdaman ko lalo na ng mapansing medyo may lungkot sa mata nito bago kami nagpaalam.
I didn't know na she's this fond of wanting a child.
Ewan ko ba, parang naninikip bigla itong dibdib ko.
As time go by ay napapansin ko na iyong behavior niya pag nakakakita ng bata or mag ina sa kung san. Parang may kung anong kumukurot sa dibdib ko pag nasisilayan iyong lungkot sa mata nya.
Hindi ko naman alam kung pano ako babawi sa butihin kong asawa kaya nagtanong-tanong ako sa mga kaibigan namin and tried to consult them.
The next few weeks ay sinabihan ko si Mildred na magfile ng indefinite leave.
Nong una ay nagulat pa sya dahil sa masyadong mahaba iyong hiningi ko and short notice masyado.
Pero luckily ay pinayagan siya kaya naman tinulongan ko syang mag impake. Panay pa ang tanong nya kung anong meron at san daw kami pupunta. But i stayed silent about it. Gusto ko lang talaga muna syang makahinga for the next two weeks and para makapag relax na rin muna sya sa work.
Baka need nya lang ng konting distraction at para naman mai relax nito ang isip at katawan, as in, totally stress-free.
"Ellie?"
Agad akong tumakbo sa kabilang side pagbaba ko ng sasakyan.
"Hello, babe kong maganda!" Ngingiti-ngiti kong bungad sa kanya sabay abot sa kamay nito.
"Ang sagwa! Pwe!!"
Ang sama ng tingin ko ng dumaan si Jasmine sa likod ko.
"Wag mo intindihin mga basher babe, single kasi." Ngiti ko sa babe ko na naiiling lang na bumaba. "Okay ka lang ba?"
Inaayos nito iyong buhok nya habang hinihila ko naman pababa itong kanyang short.
"Ellie!"
Natatawa ako sa reklamo nya ng mapadpad sa singit nya itong kamay ko.
"Ba't kasi nag suot ka ng ganito ka ikli? Kita na singit mo oh!" Pero tinampal nya lang kamay ko at kusa nang inayos ang suot.
"Wag ka ngang inggitera."
BINABASA MO ANG
A Chance At Love ⚥
RandomIt was a high school love. But i was too naive and scared to tell you how much i feel for you. Pero grabe ka pushy ng tadhana. I met you once again and just then i actually had the courage.