Holiday ngayon kaya halos walang pasok.
Open parin naman iyong shop kaso wala akong inspirasyon para pumunta kaya nanatili na lang ako dito sa unit ko at naglinis.
Wala kasi akong maisip gawin kaya halos baliktarin ko ang unit ko.
Hapon na nong maisip kong umorder na lang ng makakain at maiinom.
Malungkot ako kasi ineexpect ko na baka ngayon maisipan nyang kumostahin ako pero– wala talaga.
Ni text wala.
Baka busy na naman sya...
sa pag iwas sakin.
Nanuod ako ng kung anu-ano habang pinapapak iyong pagkain.
Naka ilang bote na rin ako ng beer.
Dyahe!
Wala naman akong maintindihan!
Kinabukasan ay nagulat ako ng mapadpad sya dito sa unit ko pero ansarap mangbalibag dahil may kukunin lang umano sya kaya sobrang sama ng loob ko.
Ni hindi ko sya tinaponan ng tingin.
Ginawa ko ang routine ko until sa may tumawag sakin. Napansin kong nakaupo ito sa couch at may kung anong inaayos.
Mga gamit nya ata.
Biglang bilis ng tibok ng puso ko.
Kasi tinutupi nya yung mga damit nya na kinuha mula sa closet. Pigil hininga akong tumalikod at sinagot ang tawag.
"Geoff? Bakit ka napatawag?"
Nilamukos ko iyong hawak kong basahan at agad na nag martsa papasok ng kwarto.
Dali-dali akong nagbihis at kinuha ang susi ng sasakyan. Pero natigilan ako saglit ng maalala kong andito pa nga pala si Mildred subalit ng tignan ko sya ay tila wala parin itong planong pansinin ako kaya walang ano-ano'y lumabas ako ng unit at tumungo sa shop.
Pagkapasok ko pa lang ng opisina ay si Rico agad ang bumungad sakin. At sa isang banda naman ay ang mag-inang sobrang sama ng tingin sa kanya kasama ang isang lalaki na mukhang abogado ata nila.
Turned out na nakikipagflirt umano siya sa anak nong complainant na isang minor at hinipoan umano ang bata habang bumibili ng maiinom. Kilala ko naman iyong bata dahil regular customer ito. Nag-aaral kasi ito sa malapit na University dito sa shop.
Gusto kong sabunotan ang buhok ko dahil sa biglaang pananakit ng aking ulo. I was almost on the brink of breaking this guy's face kung di lang ako nakapagpigil.
Nagmakaawa ako ng nagmakaawa sa dalawa na kung maaari ay wag nang mag press ng charges. Inalok ko na lang sila ng settlement. Nong una ay di pa sana papayag iyong nanay kung di pa dahil sa pangungumbinse ng bata. Kilala naman nya kasi ako and i am glad that she actually defended me and the shop's reputation. Maayos kong kinausap ang nanay nya bago tinawagan ang lawyer ko. Tinignan ko naman si Geoff at agad itong tumango bago umalis. Kanina pa panay ang sorry ni Rico sa mag-ina pero tila bingi iyong nanay habang iyong bata na ang nagsabi na okay na umano, napagsabihan pa syang wag na uulitin. Kamuntik ko pa ngang ihampas sa kanya iyong basong hawak ko eh!
Matapos ang settlement namin ay para akong maiiyak ng mapabaling ako ng tingin sa gago.
Maganda naman iyong performance nya sa trabaho pero hindi ko ineexpect na ito ang kahihinatnan. He's exactly the core example of people who let their little success get into their heads.
Ng pinatawag ko iyong mga staff ko ay sobrang sama ng tingin nila sa kanya.
Well, hindi ko sila masisisi.
BINABASA MO ANG
A Chance At Love ⚥
RandomIt was a high school love. But i was too naive and scared to tell you how much i feel for you. Pero grabe ka pushy ng tadhana. I met you once again and just then i actually had the courage.