22

317 10 2
                                    

Halos lahat ata ng oras ko ginugol ko na sa shop.

Mula 7 am minsan nakakauwi na ako ng 10 to 11 pm.

Ayoko na kasi iyong napapag-isa sa unit ko. Tho may ginagawa naman ako dun.

It's just that mag-isa ko lang kasi kaya malayang lumilipad iyong isip ko sa mga bagay bagay that involves my failure of a lovelife.

Puro na naman kadramahan. Letse!

Habang nagtitimpla ng kape ay may napansin akong couples malapit lang sa usual table ko noon.

Ilang ulit ko rin bang inisip na pumorma at makipagdate sa iba?

Di ko na ata mabilang.

Kaso agad agad akong pinanghihinaan ng loob. Nawalan na talaga ata ako ng confidence sa sarili ko.

Pansin ko lang naman.

Di ganun ka busy ngayon but from time to time ay may mga bagong customer kaya naman kontodo lang iyong smile natin. Kaso parang gusto kong umirap ng mapansin ang bulto ng mga kaibigan ko na papalapit dito sa counter.

Ang mga kurimaw, kala mo mga kabute lagi na lang sumusulpot dito magmula noong naabutan ko sila sa apartment ni Mildred. Panay iyong contact nila sakin halos araw-arawin nila pangungulit sakin non hanggang sa minabuti nilang puntahan ako dito sa shop. Di ko kasi sila pinapansin sa text at calls.

Bahala sila sa buhay nila!

Hindi naman talaga ako galit sa kanila. Sadyang nagtatampo lang pero dala na rin siguro ng guilt nila kaya heto sila at kala mo mga jowa kong nanunuyo. Maliban kina Sean at Adrian kasi minsan nagkikita kami pag may laro online. Eh sila mga kasama ko!

"Good morning Jan..." masiglang bati ni Rizza kaya nginitian ko ito ng tipid.

"Oy, Janelle. Ayusin mo naman pag greet. Tsaka andito din kami oh."

Kala mo kung sinong makasermon itong si Jasmine.

Ang sarap nya e sako!

Hmp! Inirapan ko lang ito na ikinahagikhik nong mga kasama nya.

"Kenji, paki asikaso ng mga yan ah. Break lang ako." Magiliw namang tumango iyong huli.

Hinubad ko na iyong apron ko bago pinipilig iyong aking leeg.

Nangangalay na rin itong aking mukha kakangiti. Kaka start pa lang ng araw pero parang dinadaganan itong katawan ko.

"Oy, Jan!"

Nakipag fist bump ako dun sa dalawa na nakaupo na bago sumalampak sa silya.

"Nahiya naman ako sa inyo, ano?"

Akala ko isasaboy na ni Cielo iyong dalang kape dun sa dalawa na tatawa-tawa sa pag mamaktol nito.

"Nak," napataas ako ng tigin ng ilapag ni Rizza iyong hot choco sa harap ko.

"Thanks po." Medyo napa bow pa ako.

Tahimik ko lang kinain iyong sandwich ko habang nakikinig sa kanila na nag-uusap. Bali update tsaka kamustaan lang naman tas 70% of their talks ay pang mamarites na.

"By the way, Janelle."

Tawag pansin ni Jasmine sakin kaya napasandal ako dito sa upoan ko.

"Sa Friday na iyong surprise party para kay Joy liit sa birthday nya. Wag mong kakalimutan ah." Oo nga pala. Birthday nga pala ni Joy. "Mahalaga ang role mo sa araw na yun."

"I know."

Yun lang naging tugon ko.

Nag-usap-usap na naman sila ulit. Di rin sila masyadong nagtagal dahil may mga bagay pa umano silang aasikasuhin.

A Chance At Love ⚥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon