28

419 12 0
                                    

Panay suyo ko sa kanya para lang pakalmahin ito.

Akma nya nga sanang sumugod ulit dun sa tiyohin nya para makausap ang pinsan pero buti na lang ay nadala naman sa pakiusap.

Sangkaterbang sermon na naman iyong nahita ko.

Pero di rin iyon nagtagal, malungkot itong yumakap sakin at tila ba ay nahihiya umano sya sa ginawa ng pinsan nya.

Tahimik lang itong nakayakap sakin habang andito kami sa bowl nakaupo. Ng maramdaman ko iyong pamamanhid ng pwet ko ay tumayo na ako habang inaalalayan ang pwet nya tsaka ko tinungo yung bed. Pag upo ko sa gilid ay mahigpit naman itong napayakap sa leeg ko.

Napansin ko iyong oras kaya napabuntong hininga ako at marahang hinagod iyong likod nya.

"Kelangan ko na makauwi babe." May family meeting kasi kami.

Baka mapagalitan pa ako ng mga kamag anak ko na pupunta para lang sa gaganaping pamamanhikan bukas.

"Di ba pwedeng dito ka na matulog?" Medyo natawa ako bago nanggigigil na ibinaon ang mukha ko sa leeg nya.

"Sabi ko naman sayo diba, inaantay na nila ako sa bahay."

"Edi sama na lang pala ako sayo?"

"Babe... baka mapagalitan pa'ko ng tatay mo pag tinangay kita." Nagulat ako ng bigla niya ako tinulak pahiga.

Ilang minuto pa itong naglambing kaya naman sinulit ko muna bago umalis. Nagkausap din kami saglit nong tito nya bago ako lumarga.

Pagkauwi ko ay andun na iyong mga family members namin pati grandparents ko from both side. Pinaalam ko sa kanila iyong plano kong pagpapakasal dahil ganun talaga iyong tradisyon ng pamilya namin. Pano kasi, i had to make things clear between my family lalo na sa mga nakakatanda kong kapatid. Kahit naman si Mildred ay kinailangan din e settle iyong sa side nya.

Kinabukasan ay maaga kaming naghanda. Mga kinse ata iyong sasama papunta kina Mildred habang yung iba ay busy naman sa paghahanda para sa birthday party ni papa bukas. I've already settled everything in my end kaya naman excited akong bumaba at naupo sa sasakyan.

Si papa iyong magdadrive kaya naman convoy na yung iba habang kapatid ko naman yung nagdrive nong sasakyan ko. This time ay sa kabila kami dumaan, medyo malayo iyong inikot namin para lang maipasok iyong mga sasakyan.

Nang makarating kami ay kita agad iyong iba nyang kamag-anak sa labas ng bahay nila tsaka naman lumabas iyong parents ni Mildred.

Nakangiti akong nag-ayos ng suot ko bago bumaba at inalalayan sina lola pababa ng kotse.

Kaba at excitement iyong nararamdaman ko ngayon lalo na ng makita ko si Mildred na nakatayo sa gilid ng parents nya. Parang gusto ko maiyak ng makapasok na iyong mga nakakatanda at tila ba agad inumpisahan iyong pag uusap nila.

Nag paiwan na muna ako at hinila sakin si Mildred na agad din naman yumakap ng kay higpit.

"Namiss kita." Malambing na saad nito.

Natatawa ako kaya kagat ko lang ang aking labi.

"Nanibago ako na hindi kita kasama matulog kagabi."

Ako din naman.

Magmula kasi ng pumayag syang sa condo ko na tumira ay malimit na mangyari na hindi ko sya katabi matulog. Kahit iyong mga out of town na inaattend niya ay sumasama na ako tas iyong mga trip nila.

Ganito talaga siguro.

Anyway, gusto din naman kasi nya dahil umano para mabantayan nya ako. Pano ba naman kasi, panay sabi nya na baka raw mambabae ako. Ewan ko talaga sa kanya!

A Chance At Love ⚥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon