25

369 10 0
                                    

Palabas sana ako ng apartment para mag grocery, kaso laking gulat ko ng bumungad sakin si Janelle na akma na rin sanang kakatok sa pinto.

Ano na naman ginagawa ng taong to dito? Akala ko ba may lakad sila magkakaibigan ngayon?

"Hi" malapad na ngiti iyong ginawad nya sakin.

Kunot lang ang noo ko.

Gusto ko rin sana itanong sa kanya kung pati ba ref at kabinet ko ay tropa nya.

Pano, nakita ko iyong laman ng dalawang eco bag na bitbit nya, puro ata groceries!

"May dala pala ako, para sana sayo." Alanganin itong napataas ng dala nya. "Mukhang may lakad ka ata, wrong timing ba ako?"

Parang naiirita ako. Ewan ko!

Tsaka sino ba may sabi sa kanya na magdala ng kung anu-ano?! Alam ko generous syang tao pero grabe naman!

Nagtaas lang ako ng kilay sa kanya hanggang sa hindi na ata nya natiis.

"Em, ano- pwede bang ipasok muna ito? Mabigat kasi."

"Bakit, sino may sabing tinatanggap ko yan?"

"Ha?"

Ambilis nag iba ng mukha nya. Dismayado at tila nagtatanong iyong mga mata nito na nakatitig sakin.

Nakagat ko tuloy itong labi ko. Pano, nagmukha kasi siyang kinawawa.

Iiyak ba sya?

Namumula kasi yung mata tsaka tungki ng kanyang ilong.

Aweee... kainis!

Nilakihan ko yung buka ng pinto upang makapasok siya. Bwesit! Nagpapadala na naman ako dito sa karupokan ko!

Naboboryo ko siyang pinanuod na nag oorganisa sa mga biniling pagkain at kung ano pa.

Tantya ko, isang buwang stock ko na ata iyong dala nya.

Pero tumingkayad iyong isang kilay ko ng maglabas naman siya ng mga snacks at desserts na pamilyar sakin. Tulad ng ice cream tsaka chips.

May binili itong pistachio flavored. Eh hindi naman ako mahilig dun, sya lang mostly nakakaubos nun pag bumibili kami dati. Tsaka mostly potato chips iyong nilabas nya, meron din naman iyong mga paborito ko pero pansin kong mostly dun eh paborito nya!

At andaming chocolates!

"Janelle, you know i don't eat most of those that you brought."

"Ah? Para sakin yun." Sabay lapag nya ng prutas sa mesa. "Pero bumili din naman ako ng mga paborito mo eh. Bibili na lang ako ulit pag naunang maubos."

Hah?

"Hoy Garcia! Baka nakakalimutan mo, nanliligaw ka pa lang!"

"Tsk! Alam ko po!" Matapos niya ay tinupi nya iyong bag tsaka itinabi. "Tsaka, ano kakainin ko pag andito ako?"

"Ano?! Kumpyansang-kumpyansa ka talagang papapasokin kita dito?"

"Alangan namang sa labas ako manliligaw, Em. Ayoko namang maestorbo iyong mga kapitbahay mo dito noh."

Ang kapal talaga ng taong to!

Sasagutin ko pa sana sya kung di lang ako nakatanggap ng tawag.

"Hello?"

"Em! Kamusta?"

Si Jasmine! Naningkit ang mata ko bago napabaling dito sa unggoy na nagbukas na pala ng chips.

Kinamusta ko ito at mukhang nakarating na sila sa beach house na nabanggit nila nong huli kaming magkausap. Inimbita kasi nila kami kaso masyadong matagal iyong isang linggo na stay nila dun. Di naman pwedeng umabsent kaming lima ng sabay kaya maayos namin silang tinanggihan.

A Chance At Love ⚥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon