Mildred and i are sitting at the back together with the others dito sa van ni Sean kaya medyo siksikan.Magkatabi nga pero wala namang imikan. Buti pa yung mga kasama namin ay masayang nagkukwentohan kahit kakameet pa lang nila.
Palihim akong napapalingon dito sa katabi ko pero wala talaga eh, asa labas lang iyong tingin nya. Kaya naisip kong kunin ang cellphone ko, alanganin kasi akong kumausap sa kanya with our friends in front.
...
Em?
Hinintay ko talagang dukotin nya iyong cellphone nya at agad ding napaiwas ng mapatingin ito sakin pagkabasa ng text ko.
...
Trip mo?
Napangiti ako konti.
...
Tahimik mo.
...
I got nothing to say.
...
Galit ka ba sakin?
...
For what reason? Diba ikaw yung hindi nagpaparamdam? Baka ikaw ang galit.
Napakunot tuloy iyong noo ko bago lumingon sa huli pero tsaka ko lang na pansin na nakatitig na pala sya sakin.
...
Hindi ako galit
...
Ano lang pala?
...
Nagtatampo, oo! Pero hindi ako galit.
Tumaas ang kilay ko sa kanya ng maningkit iyong mga mata nya bago napalingon sakin.
...
Ang arte mo! Parang yun lang, tampo ka na agad?
Ang sakit nya talaga sa dibdib! Wala syang awa sakin. Promise!
"Hindi nga ako nag-iinarte. I was hurt, okay?"
Huli na ng mapansin kong napatigil iyong pag uusap ng mga kasama namin at nakabaling na sakin. Paglingon ko naman kay Mildred ay naniningkit na ang tingin nya.
Tsk!
"Can you guys stop staring? May pin- aray!" Ba't kailangan manakit?!
"Bunganga mo."
Naiinis akong napakagat sa labi ko bago napaiwas ng tingin. Hindi na ako nagsalita pang muli hanggang sa tumigil iyong sasakyan.
Nakalabas na lahat kaya akma na sana akong bababa kung di lang ako pinigilan ni Mildred.
Narinig ko sumara iyong pinto ng van bago ito nagsalita.
"Garcia"
Napabuntong hininga ako before looking at her. Inantay ko lang kung anong sasabihin nya.
"Sorry"
Hm?
"Sorry? Para san? Dahil di ka makakapunta, o dahil makikipagdate ka bukas sa kung sinong tikbalang na yan?" Napansin ko iyong paniningkit ng mata nya pero di ko iyon pinansin.
Bakit ba! Eh sa bitter ako!
"Yang ugali mo Garcia ah. Tsaka hindi ako nakikipagdate sa tikbalang!"
I can't believe she still have the guts para ipagtanggol iyong kadate nya!
BINABASA MO ANG
A Chance At Love ⚥
RandomIt was a high school love. But i was too naive and scared to tell you how much i feel for you. Pero grabe ka pushy ng tadhana. I met you once again and just then i actually had the courage.