It's been 7 months since we got married.
Mildred somehow got another promotion, though hindi naman nagbago iyong workload nya kaya kahit papano ay meron parin kaming time para sa isa't isa. Minsan pag di sya ganun ka busy ay tumutulong din sya sa pag manage ng shop.
Just like any other day, nakaupo ako dito sa usual table ko habang nagpapaka busy.
Nabigla na lang ako ng may kalakasang binaba iyong baso ng hot choco dito sa mesa. Pagtaas ko naman ng tingin ay nakasimangot na iyong mukha nya sakin.
"Dapat ko na ba sisantihin kung sinong nagtrain sa iyo?"
Natatawa akong kinuha iyong kamay nya para sana paupoin siya sa tabi ko.
"Tse! Kung ihampas ko iyang laptop sa pagmumukha mo?"
Aw! Init naman ng ulo nitong misis ko.
"Wag naman po. Sayang kagwapohan ng asawa nyo kung sisirain mo po."
Mataman akong natawa ng umirap siya sakin.
"Aanhin ko ang gwapong asawa kung wala din namang oras para sakin?"
Awe!
Dramatic akong napasinghap sa sentimyento nya.
"Mas masarap siguro maging laptop mo, kasi mas madalas mo pang titigan at haplosin kesa sakin."
Nag init agad itong pisngi ko habang kagat ang aking labi.
Hindi ko inaasahang masasabi iyon ni Mildred with such a straight face. Mind you! andaming customer dito sa shop.
Pero siya prente lang na nakahalumbaba at diretsong nakatitig sakin.
Nahiya ako na ano!
"You're blushing." Nag-iwas ako agad ng tingin.
"Babe naman." Maktol ko ng isara nya iyong laptop ko.
"You've been on it since forever. Ano ba naman iyong ipahinga mo muna iyang mata mo? Ibaling mo sa kagandahang taglay ko."
Dyahe! Naiiling akong natawa.
Joker din talaga sya.
Buti na lang totoo.
"May importante lang po kasi akong ginagawa." Akma ko sana ulit buksan kaso tinaasan nya ako agad ng kilay.
"More important than me?"
Nak ng!
Naloko na.
Trabaho naman kasi inaatupag ko. Kaso pano ko pa iyon sasagutin kung hinahambing na nya sa sarili nya?!
Baka mamaya pag uwi namin di na naman nya ako pansinin!
Naiiling na lang ako sa loob-loob ko.
Pag sa kanya lang ako nakatunganga sinisita nya ako dahil pinapabayaan ko na raw iyong trabaho ko. And now that I'm trying to work harder, may ganito na syang mga banat!
Ang gulo pala mag asawa.
Di ko alam ano na ba talaga dapat ko gawin.
Kung lalambingin ko sya palagi pagdududahan nya akong may ginagawang kalokohan. Tas pag hindi ko naman sya madalas lambingin magdududa naman ulit kung meron na daw ba akong iba dahil di ko na sya nilalambing!
Hay! Ewan!
Mahal ko sya pero, ang labo nya kausap.
Masisiraan ata ako ng ulo kung san ako lulugar in this world!
Pagkauwi namin ay totoo ngang hindi na naman nya ako pinapansin.
Ano na naman ba ginawa mo Janelle?! San ka na naman ba naging perfect?!
![](https://img.wattpad.com/cover/315873401-288-k341616.jpg)
BINABASA MO ANG
A Chance At Love ⚥
RandomIt was a high school love. But i was too naive and scared to tell you how much i feel for you. Pero grabe ka pushy ng tadhana. I met you once again and just then i actually had the courage.