Palabas ako ng cr ng may marinig akong maingay sa may sala.
Kung tutuosin nakaunderwear lang ako kaya naman ng makita ko kung anong meron ay agad kong naitakip ang tuwalya sa buong katawan ko.
Pano yung mga ngiti nila nakakabwesit!
Matapos kasi nong outing namin ay pinadala sakin ni Mildred ying mga litrato. Matagal bago ako may napansin. Halos mamatay ako sa hiya ng marealize ko kung bakit ang pipilya ng mga ngiti nila nong araw na yun! Pero hindi ko na binanggit pa sa kanila na alam ko na kung anong pinagtitinginan nila nun.
Buset! Sa tanang buhay ko ngayon ko lang ikinahiya ang pinagmamalaki ko noon.
"A-Andito na pala kayo!" Dahan-dahan akong napaatras ng bigla naman lumabas si Mildred mula sa kusina.
Pagkakita nya sa ayos ko ay natatawa nitong sinaway ang mga kaibigan at tsaka lumapit sakin.
"Sorry, maaga kasi natapos sa work. Tas alam mo naman ang mga yan di makapag antay." Paliwanag pa nya bago ako sinamahan papasok ng kwarto.
"Bat kasi ganun sila makatingin sakin? Nakakailang." Nahihiyang maktol ko bago naglakad palapit sa closet.
Narinig ko naman siyang natawa bago pinulot yung tuwalya ko at bigla na lang yumakap saking likod.
"Napakainosente mo masyado. Ngayon ka pa ba maiilang eh parang ganun naman talaga ang tinginan nila sayo dati pa." Nag init itong mukha ko dahil na rin sa wala akong suot na pantaas tas hinahalik-halikan pa nya yung balikat ko.
"Gusto ko kasi ikaw lang titingin sakin ng ganun!" Napahiyaw ako ng bigla nyang kurotin iyong balat sa aking tyan. "Em naman, ansakiiiit!"
"Magbihis ka na nga lang bago pa dumating yung mga kaibigan mo. Bahala ka ikaw na naman magiging pulotan sa kantsaw nila." Ay naku!
Isa pa yun! Kaya talagang tutol ako sa ideang to eh.
"Babe, di ba pwedeng tayong dalawa na lang? Isipin ko pa lang na magkakasama sila mamaya ay parang sumasakit na ulo ko!" Pero dyahe! Tinawanan nya lang ako bago hinalikan sa pisngi.
"Magbihis ka na!" Sabay labas nya ng kwarto.
Wala din naman ako nagawa.
Habang nagbibihis ay naririnig ko pa yung mga mumuting tili ng mga tao sa labas.
"Grabe girl! Ang daks talaga!"
"Hahaha! Parang nakakatakot men!"
"Di ko talaga expected bunso! Grabe, siguradong wasak ka!"
"Tse! Magsitigil nga kayo! Pag kayo narinig nun bahala talaga kayo pag di na yun lumabas."
Yan yung mga naririnig ko kaya napadive ako sa kama sa kahihiyan. Parang gusto ko maiyak. Ang init pa ng pisngi ko.
Kalaunan ay lumabas na lang ako at nag pa as if na walang narinig sa pang tsitsismis nila sakin. Buti na lang at normal na iyong mga pinag uusapan nila kaya napahinga ako ng maluwag. Nakakasabay narin kasi ako kaya naman gumaan na loob ko. Ilang minuto din bago nagdagsaan ang mga kaibigan ko pero ng magkabatian sila ay tila ba parang mas close pa sila kesa sakin. Ni hindi na nga nila ako tinapunan ng pansin eh! Naiiling na lang akong pumunta ng kusina at kumuha ng beer.
"Okay ka lang ba?" Marahang lumapit sakin si Mildred bago niya kinawit ang mga braso sa leeg ko. "You look stressed."
"Ang ingay nila, parang gusto ko silang isako sabay tapon sa balcony." Tinatawanan nya lang ang saad ko bago uminom mula sa baso na hawak ko.
BINABASA MO ANG
A Chance At Love ⚥
RandomIt was a high school love. But i was too naive and scared to tell you how much i feel for you. Pero grabe ka pushy ng tadhana. I met you once again and just then i actually had the courage.