34

307 8 0
                                    

"Bunso, okay ka lang ba? Kanina ka pa balisa." Puna ni ate Rox kaya tipid ko lang itong nginitian.

"Okay lang, te." Lihim akong napakapit ng mahigpit sa bag ko.

"Nagkausap na ba kayo nong asawa mo bunso?" Sabay akbay ni Maya sakin.

Hindi na ako nakasagot at napakagat na lang saking labi.

Napansin kong nalungkot sila sa pananahimik ko, buti na lang nagsalita si Lyka.

"Sabay ka na samin sa shuttle bunso?" Actually gusto ko sanang mag taxi na lang upang makapag-isip.

Been days na rin kasi akong di mapakali at halos wala din akong tulog dahil nga sa nangyari.

Hanggang ngayon ay di ko pa kinakausap si Janelle kaya nagdadalawang isip akong umuwi sa kanya. Aminin ko may agam-agam ako and I've been trying to suppress this discomfort na napifeel ko.

Di ko sure kung susundoin nya ako dito sa airport but I'm assuming baka hindi iyon pupunta. Knowing Janelle,

Ang sikip ng dibdib ko.

"Ay, andito na pala si Sean..." biglang saad ni Maya kaya napahinga ako ng malalim.

Aminin ko, i was discretely looking for that person ng makalapit samin si Sean.

"Hello girls! Welcome back!" Malapad ang ngiti nito matapos salubongin ng yakap ang nobya nya.

"Oy pogi!"

"I didn't thought you'd actually come." Si Maya.

Nakikinig lang ako sa pag-uusap nila habang dinidikdik itong ulo ko mentally.

Maldita ka diba? Now you're expecting for her to come?

Gusto kong umiyak.

Nasaktan lang naman kasi ako! Pero, masama na bang umasa na sundoin niya ako kahit na may tampohan kami? Alam kong masama ang loob nya sakin pero pano naman ako?

"Ngayon lang ako nakakita ng nagbakasyon na umuwing malungkot." Medyo nabigla ako ng sumulpot sa tabi ko sina Rizza at Cielo na nakangiti sakin.

Hindi ako agad nakareact ng yumakap sila sakin.

"Sinong siraulong umaway sa isang 'to?" Tatawa-tawang puna ni Cielo habang nanatiling nakaakap sakin at napapabaling sa mga kasama ko.

"Ay naku! Magugulat ka... pano, nasita ng FA ng dalhin nya iyong pinggan na pinagkainan namin sa eroplano." Ambilis kong nasipa si Lyka na tawang-tawa pa sa naging reaksyon ko.

Siraulo talaga ang babaeng ito!

Napapalingon tuloy ako dahil nakakahiya lalo na ng may napansin akong dumaan na mukhang narinig iyong sinabi nya.

"Ay dear! Iba!" Parang gusto kong e untog itong ulo ko dahil pinagtawanan na nila ako.

Mamaya talaga sakin ang bruhang ito!

Natigil lang kami ng magtawag na iyong mga ka workmates namin dahil andito na daw iyong shuttle na maghahatid samin pauwi.

"Ay, so una na lang pala kami!" Si Lyka na kanina pa ngiting-ngiti sakin.

Dahil may sundo din si ate Rox ay inaya na nito si Lyka at Rona na sumabay sa kanya since halata namang kay Sean sasabay si Maya.

Habang asa byahe ay tahimik ko lang pinakikinggan sina Cielo at Rizza since hindi naman ako makasabay. Gusto ko lang talaga sana mapag-isa muna ngunit di naman ako tinigilan ng dalawa hanggang sa makaladkad na nga nila ako dito sa sasakyan. Masaya naman ako na andito sila for me kahit na wala dito si Janelle, I'm thankful, actually. Pero iba kasi mood ko today.

A Chance At Love ⚥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon