31

410 10 0
                                    

Sa harap na ako ng company building nina Mildred ng tumunog iyong cellphone ko.

Si Adrian, nagpapatulong mag transport ng mga gamit nong nobya nya. Mukhang seryoso na sya kay Ashley. Magsasama na raw sila sa unit nya kaya kailangan nya ng makakatulong sa paglilipat.

Bukas pa naman kaya ng matapos ng usapan namin ay nagpaalam din ito agad at marami pa umano syang tataposin sa office.

Ngayon ko lang narealize.

Ako pa lang pala iyong committed na. Naiiling tuloy ako sa isiping naunahan ko pa sila sa pag settle down.

Asa ganung isipin ako ng may biglang yumakap sakin mula sa likod. Agad din naman akong napangiti ng masamyo ko iyong pabango nito kaya masuyo kong hinaplos ang braso nya.

"Sino yung kausap mo?"

Natatawa ako kasi bigla nya akong kinagat sa likod. Kung makapanggigil sya ay parang wala kami sa tabi ng daan, sa harap pa mismo ng pinagtatrabahoan nya!

"Si Adrian, babe."

"Hm? Bakit daw?"

Pumihit ako paharap at sabay halik sa noo nya.

Ganda naman asawa ko!

"Nagpapatulong lang na mag lipat, babe." Kinuha ko iyong bag nya at magkahawak kamay kaming naglakad.

"Hah? Diba kakalipat nya lang sa condo nya?" Marahan akong napapisil ka may nya.

"Ah, yung mga gamit ni Ashley ang pagtutulongan namin ilipat bukas." Tatango-tango na ito at nanahimik na.

Pagkauwi namin ay agad akong naupo sa couch dala ng pagod magmula pa kanina. Halos ilang oras din kasi akong nakatayo during my shift sa counter. Medyo marami kasi iyong customer kanina kaya i had to help the staffs para hindi sila masyadong ma overwhelm.


Pikit mata akong nakasandal lang ng maramdaman ko iyong bigat ng pag-upo ni Mildred sa lap ko. Nakangiti kong inalalayan ang kanyang beywang until she settled down while leaning on my chest.


"Okay ka lang ba?" Nakapasok na iyong palad nya sa suot ko sabay haplos saking tyan.

"Yes babe..." napangiti ako lalo. "Medyo napagod lang kanina."


"Hm"

"Ikaw, how was work?" Idinilat ko na iyong mata ko at nakangiting tinitigan iyong maamo nyang mukha.

Kanina pa ba sya nakatitig sakin?

Para akong kinikilig the way nya ako titigan at yung mga ngiti nya... ewan, ang ganda masyado. Pero bahagya akong natawa ng napalabi siya.

"I need to ask you something."


Nagtaas ako ng kilay sa kanya sabay hawi sa buhok nito.

"Ano yun babe?"

Napaayos siya ng upo kaya dalawang kamay ko na ngayon ang nakahawak sa beywang nya.

Nag-aalangan ito na magsalita kaya nginitian ko sya hinting her that it's okay.

"In-announce kanina that our company was planning to sponsor us employees for a trip to Korea, celebration na rin for the company's anniversary. Hindi ko pa alam ang buong detalye, but i heard some of the higher-ups na magtatagal umano kami dun at least 4-5 days." Habang nagsasalita sya ay dahan-dahan lang iyong pagbitaw nya as if walking on egg shells.

Medyo nag lag ako sa sinabi nito kaya hindi ako agad nakareak. Ni hindi ko na nga napansin na nagpipigil na pala ako ng paghinga eh.

Pansin naman niya iyong pananahimik ko pero nanatili itong nakatitig lang sakin and was patiently waiting for my opinion, i guess?

A Chance At Love ⚥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon