Pabaling-baling ako sa hinihigaan ko dahil parang ang ingay masyado.
Di ko sure bakit tsaka parang masyadong nasisilaw ako kahit nakapikit. Pero di rin nagtagal ng makaramdam ako na para bang may kumakalabit sakin. Pagdilat ko ay napahiss pa'ko kasi antaas na pala ng araw. Pipikitpikit pa'kong napaupo ng makita si Mildred na nakangiti sakin.
"Morning."
Parang hindi pa maprases ng utak ko yung nangyayari. Napatitig ako sa kanya ng ilang sandali bago sya nginitian.
"Ang sarap pala magising pag ikaw agad nakikita ko." Pero inirapan nya agad ako at natawa saking banat.
"Tse! Bangon ka na dyan, nakialam na kami sa kusina mo dahil antagal mo naman nagising." Natatawa pa nyang saad na ikinangaga ko.
"Hala! Sorry. Andito nga pala parents mo. Di ako nakapaghanda ng makakain!" Bigla ako natakot.
Shet! Anlakas pa ng loob kong ipaalam sya sa tatay nya kagabi tas ito magigising silang walang sinaing. Ano na lang iisipin ng tatay nya sakin?! Putcha!
"Mildred naman, ba't di mo'ko ginising agad?" Nagtaas lang ito ng kilay kaya madali kong inayos ang sarili ko bago nagpunta ng kusina.
Pero nadatnan ko na lang na nakahanda na pala sila. Mas lalo tuloy akong nahiya ng tawagin ako ng nanay nya. Napabuga na lang ako ng hangin ng maramdaman ko si Mildred sa tabi ko na natatawa saking reaksyon.
Panay hingi ko ng paumanhin sa kanila ng mag umpisa na kaming kumain.
Nakakahiya.
Bisita ko sila pero sila pa itong nag aasikaso sakin. Ano naman dating ko nun?! Para tuloy gusto kong lamunin na lang ng sahig pero asar akong napabaling sa katabi ko na kanina pa ako pinagtatawanan.
Kakatapos ko lang maligo ng madatnan ko si Mildred na nakaupo sa gilid ng kama. Nakasampay lang yung tuwalya sa balikat ko ng lumapit ako sa kanya.
"Kamusta na yung sugat mo, masakit parin ba?" Umiling ito sakin kaya napatango ako.
"May nabanggit sakin si papa kanina." Natigilan ako saglit at naalala lahat ng sinabi ko kagabi.
Ay shet!
Di ko pa nga pala nasasabi sa kanya na inunahan ko syang sabihin dito na nanliligaw ako sa kanya.
Galit kaya sya? Ay, wag naman sana!
"Ah ano kasi," kakamotkamot ako sa ulo ko. "Pasensya ka na ah, medyo nagpadalos-dalos ako-"
"Okay lang. Anyway, sooner or later ay malalaman din naman nila." Huh? Nagtataka akong napatitig sa kanya pero nginitian nya lang ako. "Nga pala, napag-usapan na nina papa na dun na muna ako sa tinutuloyan nila ate kaya baka mamaya ay dun na din ako dumiretso."
Agad din akong nalungkot sa naging rebelasyon nya.
"Di ba talaga pwedeng dito ka na lang muna?" Hirit ko na tinaasan nya ng kilay.
"Kung sakali ay ang swerte mo namang manliligaw!" Di ko napigilang matawa. Totoo nga naman.
Matapos ng nangyari ay binigyan si mildred ng 3 days leave kaya sa di ko inaasahan ay para akong tangang tatawa-tawa dito saking table dahil sa maya't-mayang text nito. Naboboryo na ata sya dahil sya lang naiwan sa apartment ng mga kapatid nya. At dahil sa maya't-mayang pangungulit nya ay di ko na napigilang e dial ang number nya. Parang nagpalakpakan pa ata yung tenga ko ng marinig iyong maliit na tawa nya sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
A Chance At Love ⚥
RandomIt was a high school love. But i was too naive and scared to tell you how much i feel for you. Pero grabe ka pushy ng tadhana. I met you once again and just then i actually had the courage.